Close

February 11, 2024

The Cross at Ang Tunay Na Karunungan (Part 2)

Ang karunungan ng Diyos ay tago at isang misteryo sa mga hindi nakakakilala sa Kanya. Itong linggo, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño na hindi sapat ang katwiran ng tao para maunawaan ang isip ng makapangyarihang Diyos. Kailangan natin Siyang kilalanin bilang Diyos at tangappin ang karunungan na nagmumula sa Kanya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

God’s wisdom is hidden and a mystery to those who do not know Him. This week, Rev. Mike Cariño reveals how mere human reasoning fails to understand the mind of our all-powerful God. Let us acknowledge Him as our God and be led by His Holy Spirit to receive His True Wisdom.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 2:1-16

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi ang isang pagkakataon na tinanggap mo ang mga limitasyon ng karunungan ng tao at nakita mo ang kahalagahan ng tunay na karanungan sa iyong sariling buhay o sa ginagalawan mong komunidad.

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang kahalagahan ng pagbibigay-diin ni Paul na ang karunungan na inihayag ng Diyos ay hindi isang bagay na nakikita ng mga mata ng tao kundi sa pamamagitan ng ating espirituwalidad?
• Ano ang kahalagahan at implikasyon ng pagbibigay-diin ni Paul sa pagmamalaki sa mga ginawa ng Diyos imbes na sa sarili para sa mga Corinthians?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano mo ilalarawan ang iyong kasalukuyang pag-unawa sa Mensahe ng Cross at ang kapangyarihan nitong baguhin ang iyong buhay? Sa anong mga paraan nagbago o lumalim ang pag-unawang ito?
• Pagnilayan: Paano ka tumugon sa pampublikong gawain ni Jesus sa Cross sa iyong pribadong buhay?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga makamundong pananaw o personal na opinyon mo ang hinahamon ng karunungan ng Krus? Paano mo uumpisahang baguhin ang iyong pag-iisip at puso upang mas maiayon sa karunungan ng Diyos?
• Suriin ang kahalagahan ng panalangin sa iyong buhay. Lumalapit ka ba sa Diyos sa panalangin nang may pagpapakumbaba at pagtitiwala? Paano mo huhubugin ang iyong buhay upang lalong lumalim ang iyong prayer life at ugnayan sa Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Diyos para sa malalim na karunungan ng Krus, isang karunungan na higit sa pang-unawa ng tao. Purihin Siya para sa kaligtasang plinano ng isang mapagmahal na Ama, bago pa man mabuo ang mundo. Magpasalamat sa Kanyang hindi natitinag na pag-ibig na nagbigay sa atin ng kalayaang magpasiya, na nagpapahintulot sa atin na piliin ang Kanyang landas ng katuwiran. Maglaan ng oras upang purihin ang kaligtasan na ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay muli ng Kanyang Anak, si Jesus, na kusang-loob na nagpasan ng ating mga kasalanan. Purihin at kilalanin ang tagumpay laban sa kaaway at ang malalim na pagmamahal na ipinakita sa Krus. Ipagdasal na ang iyong buhay ay maging isang patuloy na pagpapahayag ng pasasalamat para sa karunungan ng Diyos na nagpatuwid sa atin.
• Kilalanin ang iyong pangangailangan para sa Kanyang awa at kabutihang-loob. Humingi ng kapatawaran sa mga panahong sinundan mo ang makamundong karunungan at binalewala ang katotohanan ng Krus. Hilingin sa Holy Spirit na palambutin ang iyong puso at gabayan ka sa lahat ng katotohanan. Humingi ng tulong upang makilala at pagsisihan ang anumang bahagi ng iyong buhay kung saan naligaw ka sa Kanyang karunungan. Nawa’y akayin ka ng Holy Spirit tungo sa tunay na pagsisisi, pagtalikod sa iyong sariling mga paraan at pagyakap sa kapangyarihang makapagpabago ng Krus.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.