Close

January 4, 2026

Ang Pagdating Ni Christ as a King on a Donkey

Inaasahan ng mga tagasunod ni Jesus ang Kanyang dakilang pagdating sa Jerusalem, ngunit dumating Siya na nakasakay sa isang asno. Hindi naunawaan ng mga sumalubong sa Kanya ang Kanyang layunin. Ngayong Linggo, ipinapaalala sa atin ni Rev. Mike Cariño na ang Diyos ay hindi kumikilos ayon sa ating inaasahan. Magtiwala tayo sa Kanya, sapagkat ang Kanyang mga paraan ay higit na mataas kaysa sa anumang maaari nating gawin o isipin.

Jesus’ followers anticipated His grand entrance into Jerusalem, but He arrived riding on a donkey instead. The crowds that welcomed Him did not understand His purpose. This Sunday, Rev. Mike Cariño reminds us that God doesn’t act according to our expectations. Let us trust in His ways, for they are higher than ours.


Basahin sa Bibliya

Mark 11:1-11

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Kapag naririnig mo ang salitang “hari,” anong imahe o expectation ang agad na pumapasok sa isip mo? Paano ito katulad o naiiba sa kung sino si Jesus?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata.Paano ipinapakita ng pagsakay ni Jesus sa donkey ang paraan ng Diyos na iba sa paraan ng tao?
• Ano ang ibig sabihin ng pagpuri ng mga tao kay Jesus? Ano ang kulang sa kanilang pag-unawa tungkol sa Kanya bilang Hari?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Saang bahagi ng buhay mo ang nahihirapan kang kilalanin na si Jesus ang tunay na Panginoon o Lord at Siya ang may karapatan sa lahat ng meron ka? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na sumuko sa Kanya?
• Bakit mo pinupuri si Jesus? Dahil ba natutugunan Niya ang iyong mga inaasahan, o dahil karapat-dapat Siya sa iyong katapatan (kahit pa hindi malinaw ang resulta)?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang itsura ng ‘way of the donkey’ (submission, availability, quiet obedience) sa daily life mo simula ngayong linggo?
• Paano mo maipapakita ang tunay na pagsunod kay Jesus bilang Hari, hindi lang sa papuri kungdi sa obedience?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin si Jesus bilang Hari na may ganap na kapangyarihan ngunit dumating nang may pagpapakumbaba. Pasalamatan Siya dahil Siya ang Panginoon ng lahat, ngunit pinili Niyang maging malapit, mahabagin, at handang gamitin ang buhay mo para sa layunin ng pagliligtas.
• Humingi ng tawad sa mga pagkakataong pinupuri mo si Jesus ngunit hindi mo Siya lubusang sinusunod. Ipahayag ang mga parte ng iyong buhay kung saan mas pinili mo ang sarili mong expectations kaysa sa Kanyang authority, at hilingin ang pusong handang sumunod kahit hindi ayon sa plano mo.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.