Close

October 29, 2023

From Hopelessness to Gratefulness

Paano humarap sa mga pagsubok at manatiling mapagpasalamat sa Diyos? Itong linggo, ipinapaalala ni Rev. Mike Cariño na kaya ng Panginoon maiahon tayo mula sa kawalan ng pag-asa tungo sa pagpapasalamat. Nauunawaan Niya ang ating mga pagsubok, karapat-dapat Siyang purihin, at Siya ang magliligtas sa atin kapag tayo’y lumapit sa Kanya.

How can we go through trying times and still find the space to give thanks to God? This week, Rev. Mike Cariño reminds us that God can turn our hopelessness to gratefulness. He understands our trials, He is worthy of our worship, and He saves us when we come to Him in faith.


Basahin sa Bibliya

Luke 17:11-19

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ilarawan ang isang kamakailang karanasan kung saan nakadama ka ng pasasalamat. Paano mo ito ipinahayag?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano sa palagay mo ang inaasahan ng mga taong may ketong (lepers) nang tumawag sila kay Jesus para sa awa? Ito ba ay pagkain, tirahan, damit, pera, o aktwal na pagpapagaling? (v.13)
• Ano ang karagdagang benepisyo ng isang leper na bumalik at nagpahayag ng pasasalamat? (v.19)

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong sarili: Ano sa palagay mo ang iyong “leprosy”?
• Sa anong mga paraan mo napapansin na binabalewala mo ang Diyos?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga tiyak na hakbang ang hinihiling sa iyo ng Diyos na gawin upang magkaroon ng natural na tugon at pamumuhay nang may pasasalamat?
• Simula sa linggong ito, i-challenge ang iyong sarili na isulat ang tatlong bagay na pinasasalamatan mo para sa bawat araw hanggang sa katapusan ng 2023. Siguraduhing ilagay ang isang bagay na hindi mo pa naisusulat sa mga nagdaang araw para mas mapansin mo ang iba pang mga pagpapala ng Diyos.

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit para sa Kanyang pagmamahal, biyaya, at katapatan sa Kanyang mga pangako. Alam man natin o hindi, Siya ay aktibong kumikilos sa ating buhay. Manalangin para sa isang maluwag na pagkakahawak sa iyong buhay upang malugod kang magpasakop sa Kanyang kalooban. Ialay ang bawat aspeto ng iyong buhay sa Kanya bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas.
• Maglaan ng oras upang pag-isipan kung sino ang Diyos. Maaari mong hanapin ang mga pangalan at katangian ng Diyos at pagnilayan ang mga ito. Pagkatapos, pasalamatan ang Diyos sa Kanyang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap na katapatan.
• Humingi ng tawad para sa mga panahong nakakalimot kang magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang ibinigay Niya sa iyo at sa mga panahong nababalewala mo Siya. Hilingin sa Diyos na tulungan kang maging mapagpasalamat sa lahat ng pagkakataon upang ikaw ay maging isang halimbawa ng buhay na binago ni Kristo.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.