Laban sa Walang Kasiguraduhan
Nayanig ang mga Israelites nang bigla silang sinalakay ng alyansa ng mga hari mula sa Timog ng Canaan. Ngayong linggo, ibabahagi ni Rev. Genesis Tan kung paano ipinaglaban ng Diyos ang Israel upang magsilbing halimbawa kung ano ang maaring mangyari kapag natuto tayong magtiwala sa Diyos at hayaan Siyang lumaban para sa atin.
The Israelites faced ominous odds when they were besieged by the alliance of the Southern kings of Canaan. Listen to Rev. Genesis Tan this week as he highlights lessons from the way God fought for Israel, for we too must learn to lean on God for our own battles.
Basahin sa Bibliya
Joshua 10
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ano ang naaalala mo mula sa mensahe noong Linggo?
• Ano ang nais mong ipasa-Diyos? (hal. kalusugan, relasyon, kabuhayan, isang partikular na sitwasyong nahihirapan ka, atbp.)
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Anong mga options na meron si Joshua nang humingi ng tulong ang mga taga-Gibeon? Paano tumugon si Joshua sa kanila?
• Ano ang iyong pagkakaintindi sa vv. 12-13? (Note to leaders: Maglaan ng ilang minuto para suriin ng mga miyembro ang talatang ito. Makakatulong ang pag-alaala sa natutuhan ng grupo mula sa mensahe noong Linggo o paggamit ng Study Bible. Magsaliksik nang sama-sama at ibahagi kung ano ang natuklasan ng bawat isa.)
• Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos mula sa talatang ito?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Nakaranas ka na ba ng sitwasyong tulad ni Joshua kung saan nahirapan kang tulungan ang iyong “kaaway” o taong hindi mo kasundo? Anong ang nangyari?
• Sa natutunan mo tungkol sa Diyos mula sa talatang ito, paano nito binabago ang iyong saloobin at kung paano mo ipapasa-Diyos ang sitwasyong ibinahagi mo sa ‘Engage with one another’?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Maglaan ng ilang minutong katahimikan. Ipanalangin ang iyong mga kinakaharap na hamon at ito ay ipasa-Diyos nang may pagtitiwala.
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Diyos dahil ipinaglalaban Niya tayo sa mga hamon ng buhay. Purihin Siya dahil Siya ay maaasahan, sa pagbibigay sa atin ng lakas ng loob na harapin ang mga hamon, at sa hindi Niya pag-iwan sa atin.
• Humingi ng kapatawaran sa Diyos sa mga panahong minamaliit natin ang kakayahan at kapangyarihan Niya na ayusin ang ating sitwasyon.
• Manalangin para sa buong pusong umasa sa Diyos dahil ang lahat ng ating pinagdadaanan ay nasa kamay ng Diyos.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.