Close

February 26, 2023

Deception and Grace

Madalas tayong nabibiktima ng iba’t-ibang uri ng kasinungalingan mula sa mga scammers, ating kapwa, o kahit nga ang ating sarili. Mula sa engkwentro ng Israel sa mga Gibeonites, ibabahagi ni Ptr. Nathan Tee ang kadakilaan ng Diyos na kayang manaig sa kabila ng ating mga pagkakamali.

We often fall victim to lies—from scammers, our neighbors, and even ourselves. This week, Ptr. Nathan Tee shares lessons from when the Gibeonites deceived Israel. Truly, God’s grace and greatness will allow us to prevail despite our mistakes.


Basahin sa Bibliya

Joshua 9

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Paano mo naranasan ang maloko o maisahan ng iba?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano tumugon ang mga hari nang mabalitaan nila ang tungkol sa pagkapanalo ng mga Israelita? Paano naman tumugon ang mga taga-Gibeon?
• Sa paanong paraan sinuway ng mga Israelita ang Diyos? Paano ito nakaapekto sa kanila?
• Paano tumugon ang mga Israelita nang nalaman nilang sila ay nilinlang?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Balikan ang ibinahagi mo sa ‘Engage with one another’. Ano ang naramdaman mo nang malaman mong ikaw ay niloko? Paano ka tumugon? Ano ang pinagkapareho o pinagkaiba ng iyong tugon sa tugon ni Joshua?
• Tinupad nila Joshua ang kanilang pangako. Para sayo, ano ang ilan sa mga hamon sa pagtupad ng iyong mga pangako?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Meron ka bang pangako na dapat balikan at tuparin? Kung meron, ano ang iyong gagawin tungkol dito at paano mo ito gagawin? Kung wala, ano ang maaari mong baguhin o pagbutihin upang mas makita ang katangian ng Diyos na pagiging tapat sa Kanyang salita?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon dahil Siya ay tapat sa pagtupad sa Kanyang mga pangako at sigurado tayong tutuparin Niya ang mga ito.
• Manalangin para sa karunungan, patnubay at proteksyon laban sa panlilinlang; at maipakita ang katangian ng Diyos sa pagiging tapat sa ating salita at huwag piliing manlinlang ng iba kahit na sa mga sitwasyon na may nanggigipit sa atin.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.