Pagbangon sa Pagkatalo
Dahil sa kanilang masakit na pagkatalo sa Ai, natutunan ng mga Israelites ang kanilang leksyon. Sila’y humingi ng tawad, nanumbalik, at muling umasa sa Diyos. Itong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Jared Co na tayo rin ay dapat matututo sa ating mga kamalian at magbalik-loob sa Diyos na Siyang may kakayahang gawing tagumpay ang ating mga pagkatalo.
Through their bitter defeat at Ai, the Israelites learned their lesson. They repented and sought the Lord, and He gave them victory. Listen to Ptr. Jared Co this week as he reminds us that we too must learn from our mistakes and return to God and let Him turn defeat into victory.
Basahin sa Bibliya
Joshua 8
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Follow up mula sa nakaraang linggo: Sa paanong paraan ka naharap sa tukso? Ano ang kinahinatnan?
• Balikan ang storya ng Joshua 7 at alalahanin ang pagsuway ng mga Israelita sa Panginoon.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Pagkatapos matalo sa Ai, paano in-encourage ng Diyos ang mga Israelita?
• Ano ang utos na ipinagawa ng Diyos sa mga Israelita sa muling paglaban nila sa Ai?
• Paano tumugon ang mga Israelita sa Diyos nang manalo sila sa Ai?
• Ano ang natutunan mo tungkol sa pagbabalik-loob sa Panginoon?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ano ang nangyayari kapag sinusuway mo ang Panginoon? Ibahagi sa grupo kung ano ang iyong mga iniisip at kung ano ang iyong nararamdaman.
• Ano ang iyong palagay sa panunumbalik sa Diyos?
• Ano ang ibig sabihin para sa iyo na ang Diyos ay ninanais ang pagbalik-loob natin sa Kanya?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Si Joshua at ang mga Israelita ay nagtayo ng altar para alalahanin at i-renew ang kasunduan/pangako ng Diyos sa kanila. Ano ang maaari mong gawin para matulungan ang iyong sarili upang maalala na nais ng Diyos ang magkaroon tayo ng kaugnayan/relasyon sa Kanya?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Pasalamatan ang Panginoon para sa Kanyang pagpapatibay ng loob sa atin at pag-restore sa atin.
• Humingi ng kapatawaran sa Diyos para sa mga oras na tayo ay gumagawa ng sarili nating paraan at hindi dumudulog sa Panginoon, pati narin sa pag-angkin ng papuri sa halip na ibigay ang papuri sa Diyos.
• Ipanalangin na magkaroon ng puso na sumasamba sa Panginoon sa tagumpay man o sa pagkatalo; at isang pusong nagbabalik-loob sa Diyos dahil nais Niyang makasama tayo.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.