Tiwala at Tapang: Finding Confidence in God For Our Future (Part 3)
Mahalaga ang pag-alala sa kabutihan at pagkilos ng Diyos sa ating buhay. Itong linggo, ibabahagi ni Ptr. Mike Cariño kung paano ginunita ng bayang Israel ang mga ginawa ng Diyos upang mapalakas ang kanilang pananampalataya at magsilbing liwanag sa buong mundo tungkol sa kabaitan ng Diyos.
It’s important for Christians to remember God’s goodness. This week, Ptr. Mike Cariño shares how the people of Israel commemorated God’s help and provision when they crossed the Jordan river, thus strengthening their faith and showing the world the light of God’s goodness.
Basahin sa Bibliya
Joshua 4:1-24
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang bagay na gusto mong matandaan buong buhay (maaaring isang aral sa buhay, isang makabuluhang pag-uusap, o isang karanasan).
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ilarawan ang ipinapagawa ng Diyos sa mga Isaraelita.
• Bakit mahalagang matandaan nila ito?
• Anong mga bagay ang nakakatulong sa iyong pag-alala kung sino ang Diyos? (Note to leaders: Mga posibleng sagot: bagay na ginagamit sa simbahan, disiplina tulad ng daily devotion, tao, o relasyon, atbp.)
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa iyong experience ng presensya ng Diyos at kung sino Siya, anong partikular na karanasan ang gusto mong alalahanin at ibahagi sa iba?
• Bakit mahalaga para sa iyo ang karanasang ito?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Mag-isip ng isang tao na maaari mong bahagian ng karanasan mo sa Diyos. Paano mo ito sisimulan?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Diyos sa pagbigay ng Kanyang salita, mga tao sa ating paligid, at mga pangyayari sa ating buhay na nagdulot ng mas malalim na pagkilala sa Diyos at upang maalala natin kung sino Siya.
• Ipagdasal na lagi nating maalala ang Diyos sa kabila ng mga pinagdadaanan natin o sa hirap at ginhawa ng buhay.
• Ipagdasal na magkaroon ng mga pagkakataon na maibahagi natin sa iba ang karanasan natin sa Diyos para maranasan nila ang kabutihan ng Panginoon at lalong tumibay ang kanilang pananampalataya.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.