Bawat Miyembro, May Ministeryo
Nais ng Diyos na lahat ng mga Kristiyano ay maging aktibo sa pagpapatibay ng simbahan at sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Alamin natin mula kay Bro. Renz Raquion kung paano natin magagamit ang mga kakayahang ipinagkaloob sa atin ng Diyos para sa pagsulong ng simbahan.
God wants us to do our part to build the Church and share the Gospel. This week, Bro. Renz Raquion shares how we can use what God has gifted us to help build the church.
Basahin sa Bibliya
Ephesians 4:11-16
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Panuto para sa aktibidad:
- Ipalista sa bawat miyembro ang kani-kaniyang talento at kakayahan o gifting.
- Magsalitan sa pagkilala o pagtukoy sa talento, kakayahan, at gifting ng bawat isang membro.
(Note to leaders: Gamitin ang pagkakataon na ito para pagtibayin ang mga miyembro sa kani-kanilang mga kakayahan at hikayatin sila na ito ay gamitin sa paglilingkod sa Panginoon.)
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Sa vv. 12-13, ano ang tungkulin ng mga apostol, propeta, ebanghelista, pastol, at guro?
- Sa v. 14, ano ang mga katangian ng isang taong maituturing na bata o sanggol pa sa pananampalataya?
- Ayon sa talata, paano tayo uunlad mula sa pagiging espiritwal na sanggol patungo sa ganap na paglaki?
- Ano ang matututunan natin tungkol kay Kristo mula sa talatang ito?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Pagnilayan at ibahagi: Sa aling bahagi ng aking espiritwal na buhay ako maituturing na isang bata pa lamang? Ano ang maaari kong gawin upang maging ganap sa pananampalataya?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Sa anong mga paraan mo maaaring gamitin ang mga talento at kakayahan o gifting na ibinigay sa iyo ng Diyos upang Siya ay paglingkuran?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Magpasalamat sa Diyos sa para sa mga ibinigay Niyang talento at kakayahan sa bawat mananampalataya; ipagdasal na ang mga ito ay magamit para sa ministeryo.
- Manalangin para sa mga pagkakataong makapag-saksi at maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng mga kaloob at talento.
- Ipanalagin ang bawat miyembro ng Katawan ng Diyos na lumago at magkaisa, maging ganap sa pananampalataya, at umibig nang tulad sa pag-ibig ng Diyos sa atin.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.