Ang Pagsabi Ni Christ To Those Who Deny Life After Death: You Are Wrong
Noong panahon ni Hesus, ang mga Saduceo ay kabilang sa mga kilalang relihiyosong sekta, ngunit hindi nila lubos na naunawaan ang katotohanan at kapangyarihan ng Diyos. Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Rev. Mike Cariño na taimtim na hanapin ang Diyos, sapagkat ang Kanyang katotohanan ay nagbibigay ng pag-asa sa buhay na ito at sa buhay na darating.
The Sadducees were one of the prominent religious sects during the time of Jesus, yet they did not understand God’s truth and power. This Sunday, Rev. Mike Cariño encourages us to earnestly seek God, because His truth gives us hope in this life and in the life to come.
Basahin sa Bibliya
Mark 12:18-27
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang “life after death”? Takot, pag-asa, o kalituhan? Bakit kaya?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang mga pangunahing pagkakamali ng mga Sadducees sa kanilang pagkaunawa sa resurrection?
• Paano ipinaliwanag ni Jesus na ang resurrection ay totoo, tiyak, at nagmumula sa kung sino ang Diyos?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong sarili: Ano ang mas humuhubog sa mga expectations mo sa Diyos ngayon (Scriptures, mga nakaraang pagkabigo, o kung ano ang tila makatwiran at praktikal)? Paano nakakaimpluwensya ang pananaw na ito sa kung paano mo tinatanggap ang Diyos at binabasa ang Bible (lumalapit nang may tiwala o pag mga kundisyon)?
• Kapag hinahamon ng Scriptures kung ano ang komportable, makatwiran, o praktikal para sa iyo, ano ang karaniwan mong tugon? Sa anong mga paraan mo maaaring pinaliliit ang kapangyarihan ng Diyos upang umangkop sa mga resultang ninanais mo at kung ano ang mauunawaan o makokontrol ng iyong isipan?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang isang konkretong hakbang para mas makilala mo ang Diyos—hindi lang sa kaalaman, kundi sa relasyon?
• Kung totoo at tiyak talaga ang resurrection, paano dapat magbago ang paraan mo ng pamumuhay, pagdedesisyon, at pag-asa ngayon?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit sapagkat Siya ay Diyos ng mga buhay, hindi ng mga patay. Magpasalamat dahil ang ating pag-asa ay hindi nakabatay sa talino ng tao o sa relihiyosong tradisyon, kundi sa Kanyang pagkatao at katapatan. Purihin si Jesus dahil Siya ay muling nabuhay, patunay na ang kamatayan ay hindi ang wakas at ang Kanyang mga pangako ay tiyak. Dahil Siya ay buhay, tayo ay may pag-asang matatag—sa buhay na ito at sa susunod.
• Humingi ng tawad para sa mga pagkakataong naging relihyoso ka pero mali ang iyong pag-unawa. Magsisi para sa mga pagkakataon na ginamit mo ang Bible para ipagtanggol ang sarili mong paniniwala imbes na hanapin ang Kanyang katotohanan. Pagsisihan ang mga oras na nilimitahan mo ang Kanyang kapangyarihan at hindi mo tunay na sinamba ang Diyos na buhay. Ipagdasal na makikilala mo Siya nang lubos, sumunod nang may kababaang-loob, at mamuhay bilang mga taong tunay na kabilang sa nabuhay na si Jesus Christ.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
