Close

May 30, 2021

Kung Sino Ang Masasama Sila Pa Ang Umuunlad

Bakit nakakaranas ng pag-unlad ang mga masasama? Ngayong linggo, ituturo ni Ptr. Michael Cariño ang landas ng karunungan na naghihikayat sa atin na hintayin ang hustisya ng Panginoon, magtiwala sa Kanya, at kilalanin na ang buhay ay nasa Kanyang mga kamay.

Why do the wicked flourish? This week, Ptr. Michael Cariño shows us the path to wisdom by encouraging us to wait patiently for God’s justice, trust in Him, and acknowledge His sovereignty over all of life.


Basahin sa Bibliya

Ecclesiastes 8

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isang karanasan kung saan naramdam mo ang kawalan ng katarungan.

3. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ano ang iyong saloobin sa kawalan ng katarungan?
  • Ano ang iyong saloobin sa kapaitan ng buhay?
  • Ano ang iyong saloobin tungkol sa mga bagay na hindi mo maunawaan?

4. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ano ang sinasabi ng talatang ito tungkol sa katarungan at pandaraya?
  • Bakit hindi agad hinahatulan ng Diyos ang mga gumagawa ng masama?
  • Paano tayo magiging masaya kahit na magulo ang buhay?
  • Ano ang sinasabi ng talatang ito tungkol sa mga bagay na hindi natin nauunawaan?
  • Paano ka matutulungan ng Katotohanang nakapaloob sa talata na ito na magtiwala sa Diyos sa gitna ng lahat ng kawalang katarungan, kapaitan, at mga bagay na hindi mo maunawaan sa buhay?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Anong ang maaari mong gawin upang makilala ang Diyos at magtiwala sa Kanya sa mga darating na linggo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Na makarating ng maayos sa mga darating na buwan ang mga bakuna mula sa pribadong sektor
    • Na mas maraming tao ang makaunawa sa mga benepisyo ng pagpapabakuna at mabawasan ang pag-aalangan laban sa bakuna
    • Na umabot sa bilang na 500k bawat araw ang mga taong magpapabakuna para sa proteksiyon ng karamihan sa lalong madaling panahon.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.