Ang Pagbabalik Loob sa Diyos
Kung ang iyong karelasyon ay hindi naging tapat at nagtaksil sa’yo, makikipagkasundo ka pa ba? Ngayong linggo, ipapakita saatin ni Ptr. Allan Rillera na ang Diyos ay nananatiling tapat at handang makipag-ayos sa mga nagkasala laban sa Kanya. Tayo ay magbalik-loob sa Panginoon habang may panahon pa.
If your partner in a relationship has been dishonest and betrayed you, would you seek a reconciliation? This week, Ptr. Allan Rillera shows how God remained faithful and open to reconciliation with those who have sinned against Him. Let us turn back to Him while we still can.
Basahin sa Bibliya
Malachi 3:6-8a
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
- Anong mga pangyayari ang nagdala ng galak o lugmok sa iyo ngayong linggo?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Ano ang ibig sabihin ng ‘manumbalik sa Diyos’? Bakit nais ng Diyos na manumbalik ang mga Israelita sa Kaniya?
- Sa paanong paraan tayo maaaring manumbalik sa Diyos?
- Ilarawan ang puso ng mga Israelita.
- Anong natutunan mo tungkol sa Diyos mula sa talatang ito?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Sa paanong paraan mo naranasan ang katapatan ng Diyos?
- Anong kabuluhan para sa iyo na ang Diyos ay tapat at hindi nagbabago?
- Naranasan mo na bang malihis ng landas? Paano ka nanumbalik sa Diyos? Anong kasalanan sa iyong puso ang kailangan mong pagsisihan?
- Ano ang mga pagkakapareho at pagkakaiba mo sa mga Israelita kung paano sila makitungo sa Diyos?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Anong katotohan mula sa Diyos ang kailangan mong panghawakan upang manumbalik sa Kanya at talikuran ang iyong mga kasalanan? Paano mo ito gagawin sa linggong ito?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- Paghahanda ng DOH ng plano para sa pagpapabakuna laba sa COVID-19; badyet para sa bakuna
- Minimal na pinsala mula sa bagyong Rolly sa Luzon
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.