Close

August 2, 2020

Joshua: Ang Namumunong Pinili Ng Diyos

Paano natin mapagtatagumpayan ang ating kasalukuyang madidilim at napakahirap na sitwasyon? Sa mensaheng ito ni Ptr. Allan Rillera, titingnan natin ang buhay ni Joshua upang matutunan kung paano magkaroon ng lakas para lumaban at manatiling matatag sa Panginoon sa anumang sitwasyon.

How can we overcome these dark and trying times? In this message, Ptr. Allan Rillera uses the life of Joshua to show how we can find strength for the fight and remain faithful to the Lord in every situation.


Basahin sa Bibliya

Numbers 27:18, Joshua 1:1-11, Joshua 24:15

Banal na Hapunan

Pamumunuan ni Ptr. Allan Rillera ang Tagalog Communion Service ngayong linggo.

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng mga natutunan ninyo mula sa inyong personal devotion.
  • Ano ang pinaka-tumatak sa iyo sa mensaheng ito?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ano ang mga katangian na mayroon si Joshua? Basahin ang Numbers 27:18. Paano inilarawan ng Panginoon si Joshua at ano ang ibig sabihin nito?
  • Ano ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Joshua? Paano niya nalampasan ang mga hamon sa buhay na ito?
  • Paano hinikayat ni Moises si Joshua (Deut. 31:7-8)? Paano hinikayat ng mga Israelita si Joshua (Joshua1:16-18)? At paano naman hinikayat ng Diyos si Joshua (Deut. 31:14,23 at Joshua 1:1-2,6)?
  • Paano ipinakita ng buhay ni Joshua ang magiging buhay ni Hesus Kristo? Paano naging matagumpay si Hesus?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Paano mo hinaharap ang mga pagsubok at kabiguan?
  • Paano nakatulong sa iyo ang mga salitang binanggit ng Diyos sa Joshua 1:7-9 na, “magpalakas at magpakatapang”?
  • Para sa iyo, gaano kahalaga ang mga salita at mga tagubilin ng Diyos? Kung sa tingin mo na ito ay importante, ano ang pumipigil sa iyo upang sundin ang mga ito?
  • Pagnilayan ang Joshua 24:15. Ano ang kahulugan nito para sa iyo?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Paano makakatulong ang mga miyembro ng grupo na ito upang ikaw ay hindi mahirapang sundin ang Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at alalahanin ng bawat isa.
  • Ipagdasal ang ating bansa.
    • Magkaroon ng karunungan at maka-Diyos na payo ang mga namumuno sa ating bansa upang sila ay makagawa ng mga tamang desisyon.
    • Personal na maranasan ng ating mga pinuno ang biyaya ng ating Panginoon at sila ay maligtas.
    • Na ang katarungan at katuwiran ng Diyos ang manaig sa ating bansa.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.