Close

May 17, 2020

Halina’t Sambahin Ang Diyos Ngayon! | Draw Near to God

Ang tunay na pagsamba ay tugon sa pagkilala sa kung sino ang Diyos. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na tumugon sa paanyaya ng Psalm 95 na sambahin si Yahweh.

Real worship is a response that comes from recognizing who God is. This week, Ptr. Joseph Ouano urges us to respond to the invitation in Psalm 95 to worship the Lord.


Basahin sa Bibliya

Psalm 95

Mga Gabay an Tanong

Magdasal bilang panimula at gamitin ang mga gabay na tanong para sa diskusyon o pagmuni-muni.

1. Engage one another (15-30 mins)

  • Kamusta ka nitong nakaraang linggo?

2. Engage the mind (15-20 mins)

  • Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng ‘pagsamba’?
  • Basahin ang Awit 95. Paano sinamba ng psalmist ang Diyos? Bakit niya sinamba ang Diyos?
  • Ang mga Israelites ay nasa Lupang Pangako ngunit bakit hindi sila makapagpahinga sa piling ng Diyos?

3. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ano/Sino ang sinasamba mo sa iyong puso? May panahon ba na ang layunin ng iyong pagsamba ay hindi ang Diyos? Ibahagi mo ito sa grupo.
  • Magbahagi ng isang pagkakataon na sinunod mo ang tinig ng Diyos.

4. Engage the hands (15-20 mins)

  • Mula sa pag-alam kung sino ang Diyos at sa ginawa ni Hesus sa Krus, paano mo ito gagawing taos-pusong pagsamba?
  • Mayroon bang mensahe sa iyo ang Panginoon na kailangan mong sundin? Ibahagi ito sa grupo.

Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Manalangin para sa mga pangangailangan at alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Manalangin para sa ating bansa. (10-15 minutes)
    • Ang awa at biyaya ng Diyos upang malampasan ang pandemya
    • Karunungan para sa mga pinuno at opisyal ng gobyerno
    • Paglalaan para sa pangangailangan ng bawat pamilya (pisikal, pinansyal, espirituwal, atbp.)

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Mga Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.