Close

August 16, 2026

When Faith Stumbles: Tiwala Sa Diyos Kahit Madaya Ang Mundo

When Faith Stumbles: Tiwala Sa Diyos Kahit Madaya Ang Mundo

Maaari tayong mapanghinaan ng loob na manatiling tapat sa Diyos kapag nakikita nating hindi napaparusahan ang kasamaan. Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Reverend Michael Cariño na ituon ang ating paningin sa presensya ng Diyos. Siya lamang ang makapagbabago ng ating pananaw at makapagbabalik ng ating loob at tiwala sa Kanya.

When we see wickedness go unpunished, we may become discouraged and waver in our walk with God . This Sunday, Rev. Michael Cariño encourages us to fix our eyes on God’s presence. He alone can transform our outlook and restore our hearts and trust in Him.


Basahin sa Bibliya

Psalm 73

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isang pagkakataon kung kailan nakaranas ka ng kawalan ng katarungan at naitanong mo ang, “Lord, bakit ganito? Bakit napaka-unfair?” Ano ang nangyari?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang psalm. Ano ang naging dahilan kung bakit nadulas ang pananampalataya ni Asaph, ang mismong sitwasyon ba o ang interpretation niya sa mga ito? Ano ang matututunan natin dito?
  • Paano ipinapakita ng psalm na ang pagkakaroon ng mga katanungan tungkol sa kawalan ng katarungan ay hindi ibig sabihin na faithless ka? Saan nagiging mapanganib ang pagtatanong?

4. Examine the heart (15-20 mins)

  • May pagkakataon ba na ang interpretation mo sa nangyari ang mas nagpadama sa ‘yo ng discouragement kaysa sa mismong sitwasyon? Paano nito naapektuhan ang pagtitiwala mo sa Lord?
  • Kung aalisin ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng comfort, success, security, or blessing, masasabi mo pa rin ba na ang Diyos mismo ang greatest blessing mo? Bakit o bakit hindi?

5. Empower the hands (15-20 mins)

  • Anong sitwasyon ngayon ang kailangan mong tingnan through God’s eternal perspective at hindi lang sa kung ano ang nakikita mo sa kasalukuyan? Anong attitude, pakikipagkumpara sa iba, o maling interpretation ang kailangan mong i-surrender kay Lord ngayon?
  • Kapag nagsisimula kang ma-discourage, mainggit, o mag-question sa Diyos, ano ang isang practical step na pwede mong gawin para muling mag-focus sa Kanya?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin ang Diyos dahil kahit may mga panahong naguguluhan, nagdududa, at nadadapa ang ating pananampalataya, nananatili Syang tapat at hindi Niya tayo iniiwan. Magpasalamat dahil hindi lamang Niya binabago ang ating sitwasyon, binibigyan Niya tayo ng bagong perspective sa pamamagitan ng Kanyang presensya. Thank God for His grace, that our security does not depend on how tightly we hold on to Him, but on how faithfully He holds on to us. Purihin Siya dahil Siya mismo ang ating greatest blessing at Siya ay sapat na sa atin.
  • Magsisi sa mga pagkakataong hinayaan nating ang injustice, comparison, inggit, at discouragement na magdikta ng ating pananaw tungkol sa Diyos. Humingi ng tawad sa mga panahong mas pinaniwalaan natin ang sarili nating interpretation ng ating sitwasyon kaysa sa character at faithfulness ng Diyos. Magsisi sa mga pagkakataong hinanap natin ang ating security, satisfaction, at hope sa temporary things ng mundo. Hilingin sa Diyos na ibalik ang ating paningin sa Kanya, bigyan tayo ng eternal perspective, at tulungan tayong magtiwala sa Kanya kahit hindi pa nagbabago ang situation.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.