Paano natin mapagtatagumpayan ang ating kasalukuyang madidilim at napakahirap na sitwasyon? Sa mensaheng ito ni Ptr. Allan Rillera, titingnan natin ang buhay ni Joshua upang matutunan kung paano magkaroon ng lakas para lumaban at manatiling matatag sa Panginoon sa anumang sitwasyon.
Read More
Makikita natin sa buhay ni Caleb ang kahalagahan ng tapat na pagsunod, tapat na paglilingkod, at tapat na pagtitiwala sa Diyos sa bawat pagsubok na kakaharapin natin sa buhay. Sa mensaheng ito ni Ptr. Michael Cariño, tayo ay iniimbitahan na kumapit sa Diyos na Siyang tunay na matapat. Siya ang magbibigay sa atin ng lakas, gabay, at tulong upang mapagtagumpayan ang anumang hadlang sa buhay.
Read More
Sa tuwing tayo ay nakararanas ng mga pagsubok sa buhay, minsan ang mas mainam na tanong ay hindi “Panginoon, bakit ganito ang nangyayari sa akin?” kundi “Panginoon, ano po ang nais mong ituro sa akin?” Sa mensaheng ito ni Ptr. Michael Cariño, matututunan natin mula sa buhay ni Moses na mananaig tayo sa mga hamon ng buhay kung magtitiwala tayo na ang ating nakalipas, layunin, landasin ay nasa kamay ng Panginoon na nagmamahal sa atin.
Read More
Makikita natin sa buhay ni Joseph ang isang uri ng tagumpay na hindi nakabatay sa kalagayan o katayuan sa buhay. Sa mensaheng ito, ibinabahagi ni Ptr. Joseph na ang tunay tagumpay ay nasa Panginoon. Tayo ay manatili sa Diyos at maging tapat sa lahat ng ipinagkatiwala Niya sa atin.
Read More