Living Wisely in a Transient World: Mabuhay Na May Karunungan sa Mundong Panandalian

Para sa maraming tao, ang magandang buhay ay mahaba at puno ng tagumpay. Ngunit ang malungkot na katotohanan ay maikli lang ang ating buhay at madalas na nagagambala ng mga hindi inaasahang pagsubok. Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Rev. Michael Cariño na isaalang-alang ang kaiklian ng buhay at humingi ng karunungan mula sa Diyos para mamuhay araw-araw nang nasa isip ang buhay na walang hanggan.
Many people think a good life is one that’s long and full of success. But the sad truth is that life is short and often disrupted by unexpected trials. This Sunday, Rev. Michael Cariño urges us to reflect on the brevity of life and to ask God for wisdom, so we may live each day with eternity in mind.
Basahin sa Bibliya
Psalm 90
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Ano ang isang experience sa buhay mo na nagpa-realize sa iyo kung gaano kabilis lumipas ang panahon?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang psalm. Paano inilalarawan ni Moses ang buhay ng tao? Ano ang itinuturo nito tungkol sa pagiging panandalian ng ating buhay sa mundong ito?
- Ano ang mga hinihiling ni Moses sa Diyos? Paano ipinapakita ng mga panalanging ito ang kanyang pagnanais na magkaroon ng eternal value ang buhay at gawain ng Kanyang bayan?
4. Examine the heart (15-20 mins)
- Dahil maikli lamang ang ating buhay, paano mo ginagamit ang iyong oras, energy, at mga kaloob? Nakatuon ba ang mga ito sa mga bagay na nagbibigay-dangal sa Diyos?
- May mga pagkakataon bang ipinagpapaliban mo ang pagsunod sa Diyos dahil hinihintay mong maging perfect muna ang iyong sitwasyon, magkaroon ng mas maraming resources, o mawala muna ang iyong mga worries?
5. Empower the hands (15-20 mins)
- Ano ang isang practical step na maaari mong gawin ngayong linggo upang mas maging intentional sa paggamit ng iyong oras at sa mga bagay na may eternal value?
- Ano ang isang responsibility o gawain na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos na maaari mong gawin nang mas faithful, upang pagpalain Niya ito at maging pagpapala rin ito sa iba?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang ating Panginoon dahil Siya ay walang hanggan at nananatiling tapat sa gitna ng pabago-bagong kalagayan ng ating buhay. Magpasalamat dahil Siya ang ating tahanan, kanlungan, at source of security kahit panandalian lamang ang buhay natin sa mundong ito. Rejoice and thank God for His grace, faithful love, and provision, at sa pagkakataong gamitin ang ating mga kaloob at gawain upang magbigay-dangal sa Kanya at maging pagpapala sa iba.
- Magsisi sa mga pagkakataong nasasayang ang iyong oras sa mga bagay na panandalian lamang at hindi nagbibigay-dangal sa Diyos. Humingi ng tawad sa mga pagkakataong mas umaasa ka sa sariling talino, kakayahan, at resources kaysa sa karunungan, awa, at pag-ibig ng Diyos. Ipanalangin na magkaroon tayo ng pusong marunong magbilang ng ating mga araw, matutong magtiwala sa Diyos sa gitna ng mga walang kasiguraduhan, at mamuhay nang may intentionality at faithfulness upang ang iyong buhay, pamilya, at mga gawain ay magbigay-luwalhati sa Kanya.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
