Close

October 11, 2026

When Believers Live Together In Unity: Kung May Pagkakaisa ang Mga Mananampalataya

When Believers Live Together In Unity: Kung May Pagkakaisa ang Mga Mananampalataya

Kung normal sa tao ang hindi pagkakasundo, kahit sa simbahan, bakit pa dapat magsikap ang simbahan na mamuhay nang may pagkakaisa? Ngayong Linggo, tatalakayin ni Pastor July David ang Awit 133 para ibahagi ang kagandahan, benepisyo, at pagpapalang nararanasan ng isang simbahang nagkakasundo.

If disagreement is normal for people, even in church, why should the church still strive for unity? This Sunday, Ptr. July David tackles Psalm 133 to show the beauty, benefit, and blessing of a church that lives in harmony.


Basahin sa Bibliya

Psalm 133

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • May nasamahan ka na bang group, team, o community kung saan ramdam na ramdam mo ‘yung pagkakaisa at pagmamalasakit sa isa’t isa? Ano ‘yung pinakanagpasaya sa ‘yo sa karanasang ‘yon?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang psalm. Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan ng mahalagang langis at hamog tungkol sa kahalagahan at epekto ng pagkakaisa?
  • Ano ang itinuturo sa atin ng psalm tungkol sa kung paano tinitingnan ng Diyos ang mga ugnayan sa loob ng Kanyang pamilya?

4. Examine the heart (15-20 mins)

  • Anong mga saloobin, palagay, o personal na kagustuhan ang maaaring nagpapahirap sa iyo na makamit ang pagkakaisa sa iba?
  • May taong ba na iniiwasan mo, nahihirapan kang patawarin, o nilalayuan mo ngayon? Sa tingin mo, paano ka tinatawag ng Diyos para tingnan at suriin ang puso mo?

5. Empower the hands (15-20 mins)

  • Paano ka magiging taong nagtataguyod ng pagkakaisa imbes na magsimula ng tsismis, pagkakawatak-watak, gulo, o pagkakakanya-kanya?
  • Ano ‘yung isang simpleng hakbang na pwede mong gawin para mas makakilala at makakonekta sa ibang believers nang higit pa sa pagsimba tuwing Linggo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin ang ating Makapangyarihang Diyos para sa kaloob ng Kanyang pamilya at para sa kabutihan, kagandahan, at pagpapala ng pamumuhay nang magkakasama nang may pagkakaisa. Purihin ang Diyos na sa pamamagitan ni Christ, tayo ay Kanyang pinagsama sa isang pamilya at tinatawag tayo upang ipakita ang Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng ating mga ugnayan sa isa’t-isa.
  • Magsisi sa mga paraan na ikaw ay nakapagdulot ng pagkakawatak-watak, nagkimkim ng sama ng loob, inuna ang iyong sariling mga kagustuhan, o napabayaan ang mga ugnayan sa loob ng pamilya ng Diyos. Humingi ng tawad at ipanalangin na maging isang mapagkumbabang peacemaker na aktibong nagtataguyod ng pagkakaisa, pagkakasundo, at pagmamahal.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.