Close

October 4, 2026

Look, Listen, Live: Mga Paraan Upang Higit na Makilala Ang Puso Ng Diyos

Look, Listen, Live: Mga Paraan Upang Higit na Makilala Ang Puso Ng Diyos

Kung nais nating kilalanin nang mabuti ang Diyos, kailangan nating tumingin, makinig, at mabuhay para sa Kanya. Ngayong Linggo, ibabahagi ni Rev. Michael Cariño kung paano tayo madadala ng pagmamasid sa nilikha ng Diyos at pakikinig sa Kanyang Salita tungo sa pamumuhay para sa Kanyang kaluwalhatian, nang may pusong lubos na nagpapasakop sa Kanya.

To know God deeply, we must look, listen, and live for Him. This Sunday, Rev. Michael Cariño shares how contemplating God’s creation and heeding His Word carry us toward living for His glory, with hearts fully surrendered to Him.


Basahin sa Bibliya

Psalm 19

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isang karanasan mo sa kalikasan na nagpatigil sa’yo, nagpa-appreciate, at nagpaalala sa iyo kung sino ang Diyos. Aling partikular na katangian ng Diyos ang pinakatumatak sa iyo sa karanasang iyon?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang psalm. Ano ang ipinapakita ng creation tungkol sa Diyos? Bakit mahalagang makita natin ang creation bilang patunay talino at kapangyarihan ng Creator?
  • Paano ipinapakita ng psalm na kailangan natin ang Salita ng Diyos hindi lamang para malaman ang tama kundi para makita at maituwid ang kondisyon ng ating puso?

4. Examine the heart (15-20 mins)

  • Paano mo tinitingnan ang Salita ng Diyos sa kasalukuyan: bilang listahan lang ng mga dapat sundin, o bilang isang mahalagang bagay na nagbibigay-buhay at kagalakan? Ano ang sinasabi nito tungkol sa kondisyon ng puso mo?
  • Kapag may itinuturo o kino-correct ang Salita ng Diyos sa iyo, hinahayaan mo ba itong baguhin ka, o pinipili mong i-ignore ang bagay na uncomfortable para sa iyo? Bakit?

5. Empower the hands (15-20 mins)

  • Anong bahagi ng Salita ng Diyos ang kailangan mong pakinggan at sundin ngayon? Ano ang specific na pagbabago na hinihingi nito sa iyo?
  • Saang bahagi ng private at public life mo ang kailangan mong ipasakop sa authority ng Diyos pero nahihirapan kang i-surrender? Paano mo ito maisasagawa sa linggong ito?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Praise our Almighty God dahil ipinapakilala Niya ang Kanyang Sarili sa pamamagitan ng Kanyang creation at ng Kanyang Salita. Magpasalamat sa Diyos dahil habang mas nakikilala natin Siya, mas nakikita natin ang Kanyang kadakilaan, karunungan, kabutihan, at kagandahang-loob. Magpasalamat kay Jesus Christ, ang ating Rock at Redeemer, dahil sa Kanyang grace ay na-reconcile tayo sa Diyos at ang ating pagsunod ay nagiging pasasalamat na tugon sa Kanyang pagmamahal.
  • Humingi ng tawad sa mga pagkakataong naririnig mo ang Salita ng Diyos ngunit hindi mo hinahayaang iwasto, turuan, i-comfort, at baguhin ka nito. Humingi ng kapatawaran sa mga bahagi ng iyong buhay na hindi mo pa lubos na isinusuko sa authority ni Lord. Ipag-pray na ang mga sinasabi mo at mga nasa puso mo ay maging katanggap-tanggap sa Diyos, at ang private at public life mo ay maipasailalim sa authority Niya lamang.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.