Close

August 9, 2026

Finding Hope In God’s Unfailing Mercy (Pag-Asa sa Hindi Nagkukulang na Awa ng Diyos)

Finding Hope In God's Unfailing Mercy (Pag-Asa sa Hindi Nagkukulang na Awa ng Diyos)

Paano natin malalampasan ang mga kasinungalingan, sakit, at pang-aabuso na dulot ng mga maling paratang? Ngayong Linggo, tatalakayin ni Pastor Allan Rillera kung paano naging maingat si David sa kanyang mga salita, paano niya hinarap ang sariling niyang kahinaan gayong ang buhay sa mundo ay panandalian lamang, at paano siya humanap ng pag-asa sa Panginoon na walang hanggan, mapagmahal, at hindi nauubusan ng awa.

How do we rise above the lies, pain, and abuse that come with facing false accusations? This Sunday, Pastor Allan Rillera shows us how David restrained his words, wrestled with his own weakness and the fragility of life, and found hope in an eternal, loving God. Let us anchor our hope in the Lord’s unfailing mercy.


Basahin sa Bibliya

Psalm 39

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Dahil maikli lang ang buhay, ano ang isang bagay ang nais mong bigyan ng mas maraming oras at atensyon?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang psalm. Bakit pinili ni David na manahimik muna bago magsalita, at bakit sa Diyos niya ibinuhos ang nilalaman ng kanyang puso?
  • Ano ang ibig sabihin ng mamuhay bilang isang manlalakbay sa mundong ito, at paano ito naging posible dahil kay Cristo?

4. Examine the heart (15-20 mins)

  • Ano ang mga bagay na matagal mo nang kinikimkim at hindi mo pa lubos na naibubuhos sa Diyos sa panalangin?
  • Sa anong bagay ka kumakapit imbes na mamuhay para sa walang hanggan kasama ang Diyos?

5. Empower the hands (15-20 mins)

  • Ano ang isang gawain o prayoridad na maaari mong bawasan, bitawan, o baguhin upang mas mailaan mo ang oras mo sa mga bagay na may walang hanggang halaga?
  • Sino ang isang tao na maaari mong palakasin o hikayatin ngayong linggo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pag-asa na mayroon tayo kay Cristo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin ang Diyos dahil Siya ang ating matibay na pag-asa sa gitna ng maikli at pabago-bagong sitwasyon ng buhay. Magpasalamat dahil tinatanggap Niya ang ating tapat na panalangin, minamahal at dinidisiplina tayo upang ilapit tayo sa Kanya, at ibinigay Niya si Cristo na pumarito sa mundong ito upang iligtas tayo at ihanda ang ating walang hanggang tahanan.
  • Pagsisihan ang mga panahong mas kumapit ka sa mga pansamantalang bagay kaysa sa Diyos, nagtago ng iyong mga hinanakit at alinlangan sa halip na dalhin ang mga ito sa Kanya, o inilagay ang iyong pag-asa sa sarili, sa ibang tao, o sa iyong mga plano. Humingi ng kapatawaran at tulong sa Diyos upang mamuhay ka nang may pananaw sa walang hanggan, mahusay na bilangin ang mga araw na ibinigay Niya sa iyo, at ilagay ang iyong buong pag-asa kay Cristo lamang.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.