Ang Pinakadakila Para Kay Christ: Greatness That God Favors
Bagama’t madalas pinupuri ng mundo ang mga makapangyarihan, mayayaman, matatalino, at sikat, ipinagdiriwang ng Diyos ang mga mapagpakumbabang inilaan ang kanilang sarili sa paglilingkod sa kapwa. Ngayong Linggo, ipinaalala ni Rev. Mike Cariño na sa paningin ng Diyos, ang tunay na kadakilaan ay nasusukat sa hangarin ng isang tao na matuto at maglingkod, at sa kanyang pagtanggap sa mga pinakanangangailangan.
While the world often praises the powerful, wealthy, brilliant, and famous, God celebrates those who humbly dedicate themselves to serving others. This Sunday, Rev. Mike Cariño reminds us that God defines greatness by our desire to learn, our drive to serve, and our decision to embrace the least and the lowly.
Basahin sa Bibliya
Mark 9:30-37
4-29Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang pagkakataon kung kailan hindi mo naintindihan ang isang mahalagang bagay dahil hindi ka handang makinig o matuto. Ano ang itinuro sa iyo ng karanasang iyon?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang passage. Ano ang ipinapakita ng pagtanggap ni Jesus sa bata tungkol sa pananaw ng Diyos tungkol sa katayuan (status) at halaga (value)?
• Ano ang pagkakaiba ng makamundong kadakilaan (worldly greatness) at ng kadakilaan na ayon ng Diyos? Paano natin ito nakikita sa lipunan ngayon?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Pagdating sa Salita ng Diyos, mas nakikita mo ba ang iyong sarili na handang matuto o nilalabanan mo ang pagwawasto? Ano ang naghihikayat at ano ang humahadlang sa iyo para magkaroon ng puso na mapagpakumbaba at handang matuto?
• Kailan ka huling naglingkod sa isang tao nang hindi nag-expect ng anumang kapalit? Ano ang natutunan mo tungkol sa iyong sarili at tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng karanasang iyon?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sinong mga tao ang maituturing na “mahina” o “mababa” ang katayuan sa iyong paligid na madalas mong hindi napapansin o iniiwasan? Mula sa natutunan mo sa passage, magisip ng konkretong paraan kung paano mo sila tutugunan ngayong linggo?
• Ano ang nag-mo-motivate sa iyo na maglingkod sa iba? Ito ba ay pagkilala (recognition), obligasyon, o pag-ibig? Paano mo magagawang parte ng iyong pamumuhay ang paglilingkod, at hindi lang paminsan-minsang gawain?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon dahil binago Niya ang kahulugan ng kadakilaan sa pamamagitan ng halimbawa ni Jesus, na nagpakumbaba sa Kanyang sarili upang maglingkod at ialay ang Kanyang buhay para sa atin. Pasalamatan Siya sa pagpapakita sa atin na ang tunay na kadakilaan ay matatagpuan hindi sa kapangyarihan, kasikatan, o katayuan, kungdi sa pagpapakumbaba, kahandaang matuto, at pag-ibig. Magalak na inaanyayahan Niya tayong matuto mula sa Kanya—Siyang may mapagpakumbabang puso—at na ang Kanyang Espiritu ang nagbibigay-kakayahan sa atin na lumago sa kadakilaang tulad ni Jesus na nagpapala sa kapwa at nagbibigay-luwalhati sa Diyos.
• Magsisi para sa mga panahong hinanap mo ang makamundong kadakilaan—ang paghahangad ng pagkilala, posisyon, o kasikatan—at hindi nag-focus na matuto at maglingkod na tulad ni Jesus. Humingi ng kapatawaran para sa kayabangan na pumipigil sa iyo na maging handang matuto, o kawalang-pakialam na pumipigil sa iyo na paglingkuran ang mga nangangailangan. Ipanalangin na bigyan ka ng Diyos ng panibagong puso na nagnanais na matuto, naglilingkod nang may kagalakan, at tumatanggap sa mga hindi pinapansin at kinakalimutan ng lipunan sa ngalan ni Jesus.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
