Help My Unbelief: Pagtitiwala sa Nag-iisang Nanampalataya para sa Atin
Maaaring sinasabi natin na may pananampalataya tayo, ngunit ang totoo, madalas tayong umaasa sa sarili nating kakayahan upang lutasin ang ating mga problema. Ngayong Linggo, ibinabahagi ni Ptr. Joseph Ouano na ang tunay na pananampalataya ay hindi nasusukat sa ating kakayahang maniwala, kundi sa kung kanino tayo nagtitiwala—kay Hesus, na sa Kanyang madasaling pagdepende sa Ama, ay ginawang posible ang lahat ng bagay.
We may claim to have faith, but in reality, we often rely on our own efforts to solve our problems. This Sunday, Pastor Joseph Ouano shares that true faith is not about our ability to believe, but rather about trusting in Jesus, the One whose prayerful dependence on the Father makes all things possible.
Basahin sa Bibliya
Mark 9:14-29
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Share a moment nang na-realize mong hindi pala sapat ang effort o galing mo para maayos ang isang bagay. Paano ka tinuruan ni Lord na magtiwala sa Kanya?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit hindi nagtagumpay ang mga disciples sa pagpalayas ng masamang espiritu kahit nagawa na nila ito dati?
• Ano ang ibig sabihin ng “the power of prayerful dependence”? Bakit mahalaga ito sa tunay na pananampalataya?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong mga sitwasyon mo napapansin na mas nagtitiwala ka sa sarili mong kakayahan kaysa sa kapangyarihan ni Jesus? Ano ang humihikayat at humahadlang sayo para mag-depend sa Panginoon?
• Anong bahagi ng buhay mo ngayon ang kailangan mong sabihin, “Lord, help my unbelief”?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang isang practical step na pwede mong gawin para palakasin ang iyong dependence kay Jesus at ang iyong prayer life?
• Anong bahagi ng buhay mo ang kailangan mong i-surrender at ipaubaya kay Jesus ngayong linggo?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin mo ang Ama sa langit dahil sa Kanyang anak na si Jesus, ang Tunay na Mananampalataya, na nanampalataya para sa atin. Magpasalamat dahil sa Kanyang perfect faith at dependence sa Ama, nagiging posible ang mga bagay na imposible sa atin. Pasalamatan Siya dahil kahit mahina ang ating pananampalataya, nananatiling tapat si Jesus, at tinutulungan Niya tayong magtiwala nang lubos sa Kanya.
• Humingi ng tawad sa mga pagkakataong mas pinili mong magtiwala sa sarili mong kakayahan kaysa sa kapangyarihan ni Jesus. Ihingi ng tawad ang mga panahon na napabayaan mong manalangin at magdepend sa Diyos. Hilingin mo sa Kanya na turuan kang mamuhay ng may prayerful dependence—na gaya ni Jesus, matuto kang magtiwala nang buo sa kabutihan, kapangyarihan, at kalooban ng Ama.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
