Ang Pagpapakilala Ni Christ For Who He Really Is
Mas nakilala ng mga disipulo si Hesus, ang Kanyang pagkatao at misyon dito sa mundo, matapos nilang masaksihan ang Kanyang “transfiguration” o pagbabagong-anyo. Ngayong Linggo, ipinaaalala sa atin ni Rev. Mike Cariño ang kahalagahan ng pagkakaroon ng panibagong pananaw kay Kristo at ang pakikinig sa Kanyang tinig. Mahalaga ang ganitong paghahanda upang tayo ay patuloy na makapaglingkod at maisabuhay ang Kanyang ministeryo, kahit sa gitna ng mga pagsubok.
The Transfiguration of Jesus gave the disciples a deeper understanding of His identity and mission on earth. This Sunday, Rev. Mike Cariño emphasizes the importance of gaining a fresh and renewed vision of Christ and listening to His voice. This kind of preparation enables us to continue serving in difficult times, carrying out His ministry in the midst of trials.
Basahin sa Bibliya
Mark 9:1-13
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Share a time when you realized na mali pala ang akala mo tungkol sa isang tao. Paano ito nakaapekto sa iyong relasyon sa taong ito?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit mahalaga na makita ng tatlong disciples ang glory ni Jesus sa Transfiguration?
• Ano ang ipinapakita ng presensya nina Moses at Elijah tungkol sa identity ni Jesus?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Kaninong mga boses o mensahe ang mas madalas mong pinapakinggan at sinusunod sa araw-araw—ang salita ni Jesus o ang ingay ng mundo? Ano ang napansin mong epekto nito sa iyong pagkatao at kung paano ka nakikipag-ugnayan sa iba at sa Diyos?
• Will you follow Jesus down the mountain, to the valley, and to the Cross? Ano ang nakakatulong at nakakahadlang sayo na gawin ito?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong practical step ang pwede mong gawin this week para mas marinig ang boses ni Jesus kaysa sa ibang boses ng mundo?
• Sino sa paligid mo ang pwede mong tulungan o paglingkuran bilang pagsunod sa example ni Jesus kahit na hindi ito madali?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin mo ang Ama sa langit dahil Siya mismo ang nagpakilala kay Jesus bilang Kanyang Anak na mahal Niya at dapat pakinggan. Pasalamatan mo Siya dahil hindi tayo iniwan sa sarili nating isip o gawa para makilala si Christ kundi Siya mismo ang nagbigay ng malinaw na pagpapahayag kung sino Siya—ang glorious at suffering Savior na kasama natin sa valley ng ating buhay.
• Humingi ng tawad sa Panginoon sa mga pagkakataong mas pinakinggan mo ang boses ng mundo kaysa ang boses ni Jesus. Pagsisihan ang mga panahong mas pinili mo ang comfort ng mountaintop experience at tinanggihan ang hamon ng valley ng pagsunod at paglilingkod. Idalangin mo na bigyan ka ng pusong handang sumunod at maglingkod kasama ni Jesus kahit may hirap o pagsubok.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
