Close

June 16, 2025

Ang Pagtanggi Kay Christ and The Consequences of Unbelief

Ang hindi pagtanggap sa Mabuting Balita ay ang pagtakwil sa awtoridad ni Kristo, pagsuway sa Kanyang mensahe, at pagtanggi sa Kanyang kapangyarihan. Ngayong Linggo, ipinaalala sa atin ni Rev. Mike Cariño na mag-ingat sa kawalan ng pananampalataya, na maaaring maging dahilan upang hindi na natin mapansin ang kamangha-mangha, makapangyarihan, at nakapagpapabagong gawain ng Gospel sa ating buhay.

To reject the Good News is to refuse Christ’s authority, disobey His message, and deny His power. This Sunday, Rev. Mike Cariño warns us to beware of unbelief, for it can make us indifferent to the wonderful, powerful, and transformative work of the Gospel.


Read Today’s Scripture Passage

Mark 6:1-6

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Start with a prayer

2. Engage one another (15-30 mins)
– Naranasan mo na bang masaktan o mabigo dahil hindi ka pinaniwalaan kahit pa totoo ang sinabi mo? Paano mo ito hinarap?

3. Engage the mind (15-20 mins)
– Basahin ang talata. Paano ipinakita na ang unbelief ay may kakayahang baliktarin ang pagkamangha at tanggihan ang authority ni Jesus?
– Ano ang koneksyon ng pananampalataya sa mga ginawa ni Jesus na miracles? Bakit hindi Sya gumawa ng maraming miracles sa Nazareth?

4. Engage the heart (15-20 mins)
– Sa anong bahagi ng iyong buhay linalabanan mo ang authority ni Jesus dahil pamilyar ka na sa Kanya o kaya ay dahil sa iyong pride?
– Paano mo nararanasan ang tukso na balewalain ang mensahe ni Christ, lalo na kung hindi ito tugma sa iyong personal na kagustuhan/paniniwala?

5. Engage the hands (15-20 mins)
– Sa anong aspeto ng buhay mo nakikita ang unbelief bilang isang hadlang sa kapangyarihan ni Christ na kumilos? Ano ang pwede mong gawin ngayong linggo upang labanan ang unbelief at tanggapin ang authority ni Jesus sa buhay mo?
– Kanino ka tinatawag ni Lord na ibahagi muli ang Good News kahit sa tingin mo ay mahirap silang maniwala?

6. Engage with God in prayer (20-30 mins)
– Purihin ang Ama sa Langit para sa hindi natitinag na katotohanan ng Kanyang salita na nananatili magpakailanman. Magpasalamat sa Kanyang pagpapadala kay Jesus upang magturo, magpagaling, at ihayag sa atin ang katotohanan sa salita at sa gawa. Magpasalamat din para sa maraming beses na Kanyang ipinakita sa atin ang biyaya at para sa mga biyayang ibinuhos Nya sa ating buhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
– Magsisi para sa mga pagkakataong pinahintulutan mo ang iyong emosyon at mga opinyon ng iba na guluhin ang iyong pag-unawa sa katotohanan. Humingi ng kapatawaran sa mga panahong tinanggihan mo ang Kanyang salita dahil hindi ito naaayon sa iyong mga inaasahan o ninanais. Ipagdasal na ikaw ay magpasakop sa Kanyang katotohanan nang may kababaang-loob at pananampalataya, upang hindi mo makaligtaan ang mga biyayang inihanda ng Diyos para sa iyo.

Would you like to try joining a Life Group session? Fill out our Contact Form and our Life Group Officer will get in touch with you shortly.


Tithes & Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.