Fear Not, Basta’t Magtiwala Ka Lamang
Paano ka tumutugon sa mga trahedya ng buhay? Matatakot ka ba, madidismaya, o magagalit? Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na huwag mawalan ng pag-asa sa gitna ng mga tila imposibleng sitwasyon, at ituon ang ating mga mata kay Hesus na Siyang Tagapagpagaling at Tagapagbigay ng buhay.
How do you respond to life’s tragedies? Are you fearful, desperate, or angry? This Sunday, Ptr. Allan Rillera urges us not to lose hope even in seemingly impossible situations. Instead, let us turn our eyes to Jesus and believe in The Healer and the Giver of life.
Read Today’s Scripture Passage
Mark 5:21-43
Life Group Discussion Guide
1. Start with a prayer
2. Engage one another (15-30 mins)
– Ibahagi ang isang pagkakataon na natakot ka pero pinili mo pa ring magtiwala kay Jesus. Ano ang nakatulong sayo?
3. Engage the mind (15-20 mins)
– Basahin ang talata. Paano ipinakita ni Jairus at ng babae ang kanilang pananampalataya kay Jesus sa gitna ng takot at mga hadlang o gambala?
– Bakit mahalagang magtiwala kay Jesus kahit na may mga delay o kahit pa tila walang agarang tugon sa ating mga panalangin?
4. Engage the heart (15-20 mins)
– Ano ang humahadlang sa iyo upang lumapit kay Jesus? May mga takot o pag-aalinlangan ba sa iyong puso kaya’t nahihirapan kayng magtiwala sa Kanya?
– Pagnilayan ang isang sitwasyon kung saan mas pinahalagahan mo ang sinasabi ng ibang tao kaysa ang sinabi ni Jesus? Paano ito nakaapekto sa iyong pananampalataya?
5. Engage the hands (15-20 mins)
– Paano mo maipapakita ang pagtitiwala kay Jesus kahit hindi mo agad nakikita ang Kanyang tugon sa iyong mga panalangin?
– Mayroon ka bang kakilala na tila nawawalan ng pag-asa? Paano mo sila matutulungan na lumapit kay Jesus at magtiwala sa Kanyang kapangyarihan?
6. Engage with God in prayer (20-30 mins)
– Purihin si Jesus, ang Dakilang Manggagamot at Tagapagbigay ng Buhay, na may kapangyarihan sa lahat ng sitwasyon. Pasalamatan Sya sapagkat Sya ay Panginoon na laging handang tumulong at hindi tayo iiwan, kahit pa tayo’y dinudugo ng problema o kinakaharap ang kamatayan.
– Humingi ng kapatawaran sa mga pagkakataong nagdududa ka at mas pinakinggan mo ang sinasabi ng mundo kaysa sa Kanyang mga salita. Magsisi at ipagdasal na ang iyong takot ay mapalitan ng matatag na pananampalataya sa Kanyang kapangyarihan.
Would you like to try joining a Life Group session? Fill out our Contact Form and our Life Group Officer will get in touch with you shortly.
Tithes & Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.