Close

April 13, 2025

Ang Pagpili Ni Christ for Us to Serve in Ministry


Sadyang pinili ni Kristo ang Kanyang mga unang apostol upang makibahagi sa Kanyang ministeryo, at ngayon, sadyang pinili Niya ang bawat isa sa atin para sa parehong layunin. Sa linggong ito, tatalakayin ni Rev. Mike Cariño ang paraan ng ministeryo ni Kristo, simula sa Panginoon, kasunod ang mga mananampalataya, hanggang sa ministeryo mismo.

Christ deliberately chose His first apostles to share in His ministry, and today, He is as deliberate in selecting each of us for the same purpose. This week, Rev. Mike Cariño discusses Christ’s approach to ministry, starting with the Master, followed by the believer, and then the ministry itself.


Basahin sa Bibliya

Mark 3:7-19

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Nadama mo na ba na hindi ka qualified o karapat-dapat na maglingkod sa ministry? Ano ang nakatulong/tumutulong sa iyo na maglingkod?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang ginawa ni Jesus bago pumili ng mga disciples? Bakit ito makabuluhan?
• Ano ang ibig sabihin na ang ministry ay dapat maging bunga ng ating relasyon kay Jesus? Paano ito makikita sa iyong buhay?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong mga paraan mo tinatanggihan o pinagpapaliban ang tawag ng Diyos na maglingkod?
• Naglalaan ka ba ng mas maraming oras para kay Jesus (doing) o makasama si Jesus (being)? Ano ang pinagmumulan nito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo sasadyaing makasama si Jesus sa linggong ito upang lumalim ang iyong relationship sa Kanya?
• Sa anong partikular na ministry/uri ng pag-serve ka iniimbitahan ng Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon sa Kanyang sadyang pagtawag at matinding kagalakan sa paggamit ng mga ordinaryong tao para sa Kanyang extraordinaryong misyon. Magpasalamat sa Kanya hindi lamang sa pagliligtas sa atin kundi sa pag-imbita din sa atin na makibahagi sa Kanyang gawain sa Kaharian. Magalak na ang ministeryo ay hindi tungkol sa ating mga qualifications o galing, kundi tungkol sa Kanyang kabutihang-loob na nag-eequip sa atin habang tayo ay lumalakad na kasama Niya.
• Magsisi sa mga panahong naglingkod ka nang hindi nakabatay sa malalim na pakikipag-ugnayan kay Kristo, na umaasa sa iyong sariling kalakasan kaysa sa Kanyang presensya. Ipagtapat ang mga sandaling binalewala mo ang Kanyang pagtawag o pinagkait ang mga bahagi ng iyong buhay na magamit para sa Kanyang misyon. Humingi ng panibagong pagnanais na makasama muna si Jesus, at maglingkod mula sa kasaganahan ng pakikipag-ugnayan na iyon.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.