Ang Pagpapagaling Ni Christ at Ang Kanyang Compassion
Nakakarelate tayo sa kwento ng pagpapagaling ni Hesus sa isang ketongin, dahil tayo rin ay desperadong mapagaling at mapalaya mula sa ketong ng ating kasalanan. Sa linggong ito, tatalakayin ni Rev. Mike Cariño ang pag-ibig at habag ni Jesus para sa lahat ng kumikilala sa kanilang pangangailangan ng isang Tagapagligtas at lumalapit nang may pananampalataya upang humingi ng kagalingan at kalayaan.
We relate deeply to the story of Jesus healing a leper because we, too, are desperate for healing and freedom from the sickness of our sins. This week, Rev. Mike Cariño explores Jesus’ love and compassion for all who acknowledge their need for a Savior and come in faith seeking healing and deliverance.
Basahin sa Bibliya
Mark 1:40-45
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang karanasan na nakatanggap ka ng tulong o kabutihan kahit na sa tingin mo’y hindi ka karapat-dapat. Ano ang nangyari? Paano ito nakaapekto sayo?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit mahalaga ang paghawak ni Jesus sa vv.41-42? Ano ang ipinapakita nito tungkol sa karakter at misyon ni Jesus?
• Ano ang sinasabi ng reaksyon ni Jesus sa vv.43-45 tungkol sa kung ano ang Kanyang prayoridad sa ministeryo? Paano nito sinusubok ang iyong ideya ng pagsunod kay Jesus?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Saang mga bahagi ng iyong buhay pakiramdam mo ay mayroon kang ketong—mga bagay na nagdadala sa iyo ng kahihiyan o nagpaparamdam sa iyo na hindi ka karapat-dapat? Paano nakakaapekto ang kahabagan ni Jesus sa mga bahaging iyon?
• Naranasan mo na ba na mas nag-focus ka sa kung ano ang maaaring gawin ni Jesus para sayo (mga himala, mga pagpapala) kaysa kung sino Sya? Paano hinahamon ng mensaheng ito ang iyong pananaw?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sino sa iyong mga kakilala ang higit na nangangailangan ng pagmamahal, pagtanggap, o habag? Sa anong mga paraan mo maipapakita sa kanila ang pag-ibig ni Jesus?
• Ano ang iyong tugon kapag ikaw ay tinatawag ng Diyos na sumunod, lalo na kung ito ay sumasalungat sa iyong kalooban o mga nais? Paano ipinapakita ng iyong pagsunod ang iyong pagtitiwala sa Kanya? Sa iyong pagninilay, ipagdasal kung ano ang isang tiyak na hakbang ng pagsunod sa nais ng Diyos ang iyong gagawin sa linggong ito.
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon dahil sa Kanyang walang katapusang awa na tumatanggap sa mga wasak, mga napapagod, at mga hindi karapat-dapat. Magpasalamat sa Kanya dahil naririnig Nya ang ating mga daing, nilinis Nya tayo sa ating mga kasalanan at kahihiyan, at tinanggap Nya tayo sa Kanyang pag-ibig. Magdiwang tayo sa katotohanang hinawakan tayo ni Hesus, pinalaya tayo, at binigyan Nya tayo ng bagong simula dahil sa Kanyang sakripisyo sa krus.
• Magsisi sa mga panahong nag-alinlangan ka sa pag-ibig ng Diyos o hinanap mo lamang Siya dahil sa Kanyang mga pagpapala imbes na dahil sa kung sino Siya. Humingi ng kapatawaran para sa iyong matigas na puso, mga sandali ng pagsuway, at mga panahon na iyong binalewala ang Kanyang mga utos. Manalangin na baguhin ng Panginoon ang iyong puso, na gawin itong sensitibo sa Kanyang tinig at sabik na sumunod sa Kanya nang buong pagsunod.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.