Close

March 31, 2024

Christ Is Risen! Bakit Ba Ito Ay Mahalaga?

Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus ang pundasyon ng ating pananampalataya at pag-asa. Ngayong linggo, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño na ang muling pagkabuhay ng ating Panginoon ang nagpapatunay sa katotohanan ng ating pananampalataya at sa katuparan ng ating kapatawaran at kaligtasan.

The Resurrection of Jesus Christ is the foundation of our faith and hope. This week, Rev. Mike Cariño explains how our Lord’s resurrection is our assurance that our faith is real, our forgiveness is certain, and our future is secure.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 15:12–20

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Matapat na ibahagi kung ano ang karaniwan mong ginagawa tuwing Semana Santa. Naglalaan ka ba ng oras upang pagnilayan at pasalamatan si Jesus para sa Kanyang ginawa sa Krus? Hinahayaan mo bang lumipas ang linggo tulad ng anumang regular na bakasyon?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit mahalaga para sa mga Kristiyano na muling nabuhay mula sa kamatayan si Jesus? Ano ang mangyayari kung walang resurrection?
• Ano ang natutuhan mo tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga katangian mula sa mensahe?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Bago mo marinig ang mensahe ngayon, sa anong paraan nakaapekto sa iyong buhay ang muling pagkabuhay ni Jesus? Mayroon bang pagbabago sa kung paano mo gustong mamuhay pagkatapos mo marinig ang mensahe?
• Suriin ang iyong sarili: Mayroon ka bang anumang mga pagdududa o uncertainties tungkol sa muling pagkabuhay ni Jesus? Kung meron, ano kaya ang makakatulong sa iyo upang tugunan ang mga ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga tiyak na hakbang ang maaari mong gawin upang lumalim ang iyong pagunawa sa muling pagkabuhay ni Jesus at ang mga implikasyon nito sa iyong pang-araw-araw na buhay at pakikipag-ugnayan sa iba?
• Sa anong praktikal na paraan mo maipapahayag ang pasasalamat sa kapatawaran na naging posible sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesus?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Diyos sa katiyakang dulot ng muling pagkabuhay ni Jesus sa ating pananampalataya, batid na dahil buhay si Jesus, mayroon tayong pag-asa, pagpapatawad, at walang hanggang kinabukasan kasama ang Diyos. Purihin Siya para sa tagumpay laban sa kamatayan na ginawa ni Jesus sa krus at walang laman na libingan. Magpasalamat sa Kanya para sa bagong buhay na mayroon tayo ngayon kay Jesus. Ipanalangin na ang iyong puso ay mag-uumapaw ng pasasalamat habang pinagninilayan mo ang kahalagahan ng kamangha-manghang linggong ito.
• Maaaring naalala mo ang iyong mga pagkukulang at pagdududa habang pinapakinggan ang mensahe ngayon. Humingi ng kapatawaran sa mga pagkakataong nag-alinlangan ka sa pag-ibig ng Diyos, kinuwestiyon ang Kanyang mga plano, o napabayaan mong isabuhay ang katotohanan ng resurrection sa iyong buhay. Ikumpisal ang anumang pagdududa o takot na maaaring humadlang sa iyong pagsunod sa Kanya. Hilingin sa Diyos na tulungan kang talikuran ang kasalanan at yakapin ang pagbabagong kapangyarihan ng muling pagkabuhay ni Kristo sa ating mga puso at pagkilos. Ipanalangin na matanggap mo ang lakas at karunungan upang mamuhay bilang tapat na saksi ng pag-ibig at kagandahang loob ng Diyos.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.