Close

February 4, 2024

The Cross at Ang Tunay Na Karunungan (Part 1)

Sa mata ng mundo, ang karunungan ay naipapamalas sa pamamagitan ng pagtitiwala sa sariling kahusayan sa pananalita at pangangatuwiran. Sa mata ng Diyos, ang tunay na karunungan ay makikita sa kapangyarihan ng Krus. Ngayong linggo, ipinapa-alala ni Rev. Mike Cariño na ang tunay na nakakaunawa ay siya na nagtitiwala sa karunungan at kapangyarihan ni Hesu Kristo.

Worldly wisdom is expressed as confidence in one’s eloquence and reasoning, while God’s wisdom is displayed in the power of the Cross. This week, Rev. Mike Cariño reminds us that the truly wise find their confidence in the wisdom and power of the crucified Christ.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 2:1-16

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi kung paano nakakatulong ang pag-unawa mo sa Mensahe ng Krus bilang “tunay na karunungan” na baguhin kung paano mo nakikita ang mundo.

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang hindi binigyang-diin ni Paul sa kanyang pagtuturo, at ano ang kanyang binigyang-diin (vv. 1-2)? (Isipin: Saan pa niya ito binanggit?)
• Paano mo natanggap ang ideya na ang Krus, na una’y isang simbolo ng kahihiyan, ay naging simbolo ng katarungan, at pag-ibig ng Diyos? Paano ito nakaka-apekto sa iyong pang-unawa sa iyong sarili at sa Diyos?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Pagnilayan: Tukuyin kung saan sa iyong buhay maaaring ninanais mo ang atensyon para sa iyong sarili sa halip na idirekta ang mga tao kay Jesus at sa Kanyang Krus. Ano ang pinagmumulan ng pagnanais na ito?
• Maging tapat: Umaasa ka ba sa iyong sariling karunungan at kakayahan upang palaguin ang iyong espirituwal na buhay at ministeryo? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na umasa sa Diyos lamang?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo tatanggapin ang kapangyarihan ng Holy Spirit sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay at pagsasabuhay ng karunungan ng Krus? Ano ang mga hakbang na maari mong gawin upang mas palakasin ang iyong pagdepende sa Holy Spirit?
• Paano mo maipapakita ang mensahe ng Krus sa iyong pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa mga hindi Kristiyano, lalo na kapag kinakabahan ka na hindi ka magaling o nakakakumbinsi?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Ama sa Langit para sa kaloob ng Kanyang Salita. Purihin Siya sa patnubay, karunungan, at lakas ng loob na ibinibigay ng Kanyang Salita sa ating buhay. Magpasalamat sa Kanya dahil Siya ay mapagkakatiwalaan at hindi nagbabago na Pinagmumulan ng Katotohanan. Ipanalangin na ipagmalaki mo ang Kanyang Salita, na kinikilala mo ang kapangyarihan nito na baguhin ang mga puso at akayin ang mga tao sa mga landas ng katuwiran. Manalangin din na mamuhay na patuloy na nagpapakita ng kaluwalhatian ng Kanyang Salita, at na ang iyong papuri ay maging isang patunay ng Kanyang katapatan.
• Humingi ng kapatawaran sa mga panahong umasa ka sa karunungan ng tao sa halip na humingi ng patnubay mula sa Salita ng Diyos. Ipagtapat na minsan ay naiimpluwensiyahan ka ng pananaw ng mundo, naghahanap ng iyong sariling glory sa halip na ipagmalaki ang Krus ni Kristo. Hilingin sa Diyos na magkaroon ka ng pusong may pagsisisi, at tulungan kang talikuran ang pagiging mapagmataas na pumipigil sa iyong pag-surrender sa Kanya. Magsisi sa mga sandaling hindi ka umasa sa Holy Spirit sa iyong buhay, sa halip ay umasa sa sariling lakas. Pagisisihan ang mga panahong hinangad mo ang pansin para sa iyong sarili sa halip na ituro ang mga tao kay Kristo. Hilingin sa Diyos na ipagkaloob sa iyo ang biyaya upang patuloy na ipagyabang ang ginawa ni Jesus, na kinikilala ang Kanyang Salita, Krus, at Espiritu bilang tunay na pinagmumulan ng ating lakas at karanungan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.