Close

January 7, 2024

Paano Maiwasan Ang Church Divisions? (Part 1)

Bagama’t niligtas at tinubos na tayo ng Diyos, nagkakaroon parin ng mga alitan sa loob ng simbahan dahil ang bawat tao ay likas na makasalanan. Itong linggo, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño kung ano ang maari nating gawin upang maiwasan ang dibisyon sa loob ng simbahan.

Although God has saved and redeemed us, conflicts still arise in the church because every believer is. sinner by nature. This week, Rev. Mike Cariño examines what we can do to avoid division within the church.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 1:1-17

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng recent na pangyayari kung saan naranasan mo ang katapatan ng Diyos, kahit na ikaw ay hindi tapat. Paano ka nito na-encourage sa iyong paglalakbay sa pananampalataya?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit nagpapasalamat si Paul sa mga positibong bagay sa vv.4-9 kapag ang simbahan sa Corinth ay may ilang mga isyu na hindi sila nagsisisi?
• Maglaan ng oras upang maghanap o mag- research ng background tungkol sa lungsod at simbahan ng Corinth. Paano nakakaapekto ang pag-aaral tungkol sa background ng Corinth sa iyong pagkaunawa sa mensahe ngayon?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano mo personal na nararanasan at ipinapahayag ang pasasalamat para sa natatanging biyaya (grace) kay Kristo? Anong mga panloob at panlabas na factors ang pumipigil sa iyo na patuloy na magpasalamat?
• Pag-isipan ang pagkakaiba ng pagkakaroon ng mga spiritual gifts at pamumuhay na ginagabayan ng Holy Spirit. Paano mo pini-priority ang buhay na ginagabayan ng Holy Spirit sa iyong pang-araw-araw na pagkilos? Ano ang pumipigil sa iyo na gawin ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa anong mga partikular na paraan maaari mong ilipat ang iyong focus sa pagtanggap sa identity na mayroon ka kay Kristo?
• Paano mababalanse ng iyong Life Group/pamilya/komunidad ang pagpapahalaga sa mga spiritual gifts na may pagtuon sa buhay na guided by the Holy Spirit? Paano mo mapapaunlad ang isang kapaligiran kung saan ang parehong aspeto ay pinahahalagahan?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos dahil binalot Niya tayo sa katuwiran ni Kristo at nangako na iingatan at susuportahan tayo sa bawat panahon ng ating buhay hanggang sa tumayo tayo sa Kanyang harapan at iharap sa Kanya bilang walang kapintasan. Ipanalangin na patuloy kang bigyan ng kakayahan ng Diyos na tapusin ang gawaing ibinigay Niya sa iyo, para sa Kanyang kaluwalhatian.
• Hilingin sa Ama na saliksikin ka, na tukuyin ang anumang bahagi ng iyong buhay na hindi nakalulugod sa Kanya. Ipanalangin na mamuhay ka ng maka-Diyos na buhay kay Jesus at maging mapagsunod sa Holy Spirit upang matupad mo ang lahat ng Kanyang inilaan para sa iyo. Magsisi sa mga pagkakataong hindi mo ginawa o na-take for granted mo ang mga pagkakataong ibinigay Niya sa iyo. Purihin Siya na Siya ay tapat kahit na tayo ay walang pananampalataya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.