Kung Kailangan Mo Ng Kanlungan: God Is Our Refuge
Itinatag ng sinaunang Israel ang mga Lunsod-Kanlungan bilang pagsasabuhay sa awa at habag ng Diyos. Sa kasalukuyan, ang prinsipyong ito ay patuloy na nabubuhay sa katauhan ni Hesus na Siyang ating tunay na kanlungan. Ngayong linggo, ibabahagi ni Ptr. Mike Cariño na wala nang paghahatol na naghihintay para sa sinumang na kay Kristo.
Ancient Israel established Cities of Refuge as God’s way of showing His mercy. Even today, this principle is alive in Jesus as He alone is our true refuge. This week, Ptr. Mike Cariño shares how we who are in Christ will be shown mercy and spared from condemnation.
Basahin sa Bibliya
Joshua 20
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Follow up mula sa ‘Engage the Hands’ noong nakaraang linggo. Paano ka tumugon sa mga bagay na madalas mong nirereklamo?
• Anong nagdudulot sa kaginhawaan o tulong sa tuwing ikaw ay nahaharap sa mahirap na sitwasyon?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano pinapakita ng talata si Kristo?
• Ano ang kaugnayan sa iyo ng nabasang talata?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Magbahagi ng karanasan kung saan ikaw ay nakahanap ng kanlungan?
• Ano ang iyong saloobin na si Kristo ay iyong kanlungan?
• Mayroon bang humahadlang sa na lumapit sa kanlungan na si Kristo? (Note to leaders: Maging sensitibo sa mga magbabahagi na may hindi naresolbang isyu ng puso, maling pananaw sa Gospel, atbp. Ito ay pagkakataon upang magministeryo at ibahagi ang Gospel.)
• Ano ang ilang paraan upang tayo ay maging isang lugar ng kanlungan para sa ibang tao?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Mag-isip ng isang tao sa iyong mga nakakasalamuha na nangangailangan ng isang lugar ng kanlungan. Ano ang maaari mong simulan na gawin upang maging mga kamay at paa ni Kristo sa pagiging isang kanlungan para sa kanya?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Diyos dahil Siya ang ating Kanlungan. Tinatanggap Niya tayo kung ano tayo sa kabila ng ating mga kasalanan, nakaraan, sakit, at pagdududa.
• Humingi ng patnubay ng Espiritu upang tayo ay ganap na lumapit kay Kristo bilang ating kanlungan – na Siya ang ating ligtas na lugar sa lahat ng ating mga kahinaan.
• Ipanalangin na habang nararanasan natin ang pagtanggap at pagbalik-loob kay Kristo, maipaabot natin ang Kanyang karakter sa mga taong inilagay Niya sa ating mga puso.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.