Close

December 14, 2025

Eyes of Faith: To See Him is to Follow Him

Marami ang nakarinig tungkol kay Hesus, ngunit iilan lamang ang tunay na nakakakita at sumusunod sa Kanya. Ngayong Linggo, ibabahagi ni Pastor Allan Rillera na ang mga kumikilala sa Panginoon ay tumatawag sa Kanya nang may matatag na pananampalataya at sumusunod sa Kanyang mga tagubilin nang walang pag-aalinlangan.

Many have heard of Jesus, but only a few truly see and follow Him. This Sunday, Ptr. Allan Rillera shares how those who do recognize the Lord know to call on Him with unwavering faith and follow His instructions without hesitation.


Basahin sa Bibliya

Mark 10:46-52

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Kailan ka huling tumawag kay Hesus nang may paninindigan—yung parang sa Kanya talaga nakasalalay ang buhay mo? Ano ang nangyari?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang mga hadlang na hinarap ni Bartimeus? Paano niya hinarap ang oposisyon ng mga tao sa paligid niya?
• Ano ang ipinapakita ng pagtawag ni Bartimeus kay Hesus bilang “Anak ni David” tungkol sa kanyang pananampalataya? Paano ipinakita ni Bartimeus na malinaw ang kanyang pagkilala kay Hesus kahit siya ay bulag?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano nagiging hadlang sa iyong paglapit at pagtawag kay Hesus ang iyong pride o takot?
• Sa pagharap ng oposisyon o discouragement, ikaw ba ay sumusuko agad o patuloy kang lumalapit kay Hesus tulad ni Bartimeus?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang isang konkretong paraan na maaari mong gawin ngayong linggo upang mas buong tapang kang tumawag at lumapit kay Hesus?
• Sa anong bahagi ng buhay mo tinatawag ka ni Hesus na bumangon at sumunod, imbes na manatili kung nasaan ka ngayon?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa langit sapagkat Siya ang Diyos na nakikinig sa sigaw ng mga pusong lumalapit sa Kanya nang may pananampalataya. Pasalamatan Siya dahil kay Hesus, ang Anak ni David, nakatanggap tayo ng pag-asa, awa, at direksyon sa ating mga buhay. Magalak dahil binubuksan Niya ang ating mga mata upang hindi lamang Siya makita, kundi sundan Siya nang buong puso.
• Humingi ng tawad sa mga pagkakataong hinayaan mong pigilan ka ng pride, takot, o opinyon ng iba sa pagtawag at pagsunod kay Hesus. Ikumpisal ang mga sandaling mas pinili mong manatili sa iyong kinaroroonan kaysa sumunod sa Kanya. Idalangin na baguhin ng Panginoon ang direksyon ng iyong buhay, upang tulad ni Bartimeus, ikaw ay bumangon, magtiwala, at sumunod nang walang pag-aalinlangan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.