Kung Napapalibutan Ka ng Mga Laban sa Buhay
Tulad ng Israel, kailangan natin harapin ang mga problema sa buhay na kaliwa’t kanang lumilitaw at pumapalibot sa atin. Ngayong linggo, pinapaalala ni Ptr. Mike Cariño na hindi sapat ang sarili nating lakas upang malampasan ang mga hamon ng buhay. Dapat tayong matutong magtiwala at sumunod sa layunin ng Diyos dahil Siya ang magbibigay ng tagumpay.
Like Israel, we face constant struggles from every side. This week, Ptr. Mike Cariño reminds us that it’s useless to rely on our own strength and encourages us to trust and obey God’s plan and purpose for He will give us victory.
Basahin sa Bibliya
Joshua 11-12
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Tukuyin ang ilan sa mga malalaking laban ng iyong buhay.
• Tukuyin ang ilan sa mga maliliit na laban sa iyong pang-araw-araw na buhay.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Ano ang mga katangian na mayroon si Joshua sa pagharap sa mga laban?
• Alin sa mga katangiang nakita ang dapat mong pagbutihin
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ano ang kinakatakutan mo sa pagharap sa mga hamon sa buhay?
• Sa paanong paraan mo isinasabuhay ang pagtitiwala at pagsunod sa Diyos?
• Ang lahat ng laban ay sa Diyos. Ano ang papel mo sa mga laban ng iyong buhay? Paano mo ito gagampanan?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano ka matutulungan ng ating grupo na lumalim pa ang iyong pagtiwala at pagsunod sa Diyos habang nahaharap ka sa hamon ng buhay?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos dahil Siya ay ating mapagkakatiwalaan na pangungunahan tayo at Siya ang lumalaban para sa atin. Ang Diyos ay tapat at Siya ang nagbibigay sa atin ng karunungan at lakas.
• Ipanalangin na maging sensitibo sa Espiritu nang maranasan natin ang presensya ng Diyos at kapahingahan sa Diyos. Nawa’y bigyan Niya tayo ng pagtitiyaga, katiyakan, at pag-asa habang ipinagkakatiwala natin ang ating mga laban sa Kanya.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.