Close

January 15, 2023

Tiwala at Tapang: Finding Confidence in God for our Future (Part 2)

Ang Diyos ang ating sandigan sa ano mang hamon na kakaharapin sa buhay. Ngayong linggo, ibabahagi ni Ptr. Mike Cariño kung papaano naranasan ng bayang Israel ang katapatan, kabutihan, at kalakasan ng Diyos sa gitna ng kanilang napakahirap na paglalakbay patungo sa Promised Land.

Israel encounters an impassable obstacle just as they start their journey to the Promised Land. Why would God allow a hindrance to happen to something He promised? Join Ptr. Mike Cariño this week as he teaches that we should trust God for the impossible as we face obstacles in life.


Basahin sa Bibliya

Joshua 3:1-17

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Paano ka tumutugon kapag nahaharap sa mahirap na sitwasyon?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang ipinagawa sa mga Israelita? Ano ang kabuluhan ng mga ito?
• Sa kasalukuyan, ano ang halaga ng pagiging banal?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Tayo ay naging banal dahil ang Diyos ay banal. Ano ang maaari mong gawin upang mamuhay ng banal?
• Suriin ang iyong puso. Anong mga kasalanan ang kailangan mong ikumpisal at talikuran?
• Ano ang makakatulong upang magawa mo ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang talikuran ang kasalanan at mamuhay ng kanais nais sa Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Panginoon sa pagpapabanal sa atin sa pamamagitan ng dugo ni Kristo.
• Humingi ng kapatawaran sa Diyos at isang pusong nagsisisi upang talikuran ang pagnanais na magkasala; alalahanin na tayo ay tinawag na maging banal dahil ang ating Diyos ay banal at tayo ay malayang pumili na mamuhay ng naayon sa kanyang Salita.
• Manalangin na makita natin ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay, at ma-enjoy ang Kanyang presensya sa pang araw-araw.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.