Close

July 31, 2022

God Chose the Nation Israel Upang Ang Gospel ay Maipahayag Para sa Lahat (Part 3)

Nakalahad sa Bibliya ang napakadakilang pag-ibig ng Panginoon. Sa mensaheng ito, ipapaliwanag ni Ptr. Michael Cariño kung gaano kalalim ang pag-ibig ng ating Diyos para sa atin na kayang nitong higitan ang anumang limitasyon, takot, o kabiguan.

As demonstrated countless times throughout the Bible, God’s love is amazing. This week, Ptr. Michael Cariño reminds us about the depths of God’s mercy and how it overflows beyond race, boundaries, failure, and fear.


Basahin sa Bibliya

Romans 9,10,11

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Note to leader: Pumili ng 1 o 2 miyembro na magbabahagi na kanilang “spiritual journey”. Bigyang pansin ang mga salitang naglalarawan sa kanilang saloobin tungkol kay Hesus at sa Gospel.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ano ang natutunan mo tungkol sa awa ng Diyos?
  • “Tinibag ni Hesus ang mga hadlang upang tayong mga hindi Hudyo ay makalapit sa Diyos.” Ano ang kabuluhan nito para sayo?
  • Ano ang saloobin at pananaw ng mga Hudyo tungkol sa Gospel?
  • Sa 11:11-12, ano ang sinasabi ni Paul tungkol sa pagkainggit ng mga Hudyo? Bakit nais ng Diyos na mainggit ang mga Hudyo?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Mula sa natutunan mo tungkol sa awa ng Diyos, ano ang iyong saloobin at tugon tungkol dito?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Anong mga desisyon ang dapat mong gawin upang matulungan kang baguhin o pagbutihin ang iyong saloobin tungkol sa Gospel?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat sa Diyos para sa Kanyang awa na sa pamamagitan ni Hesus ay matatanggap natin at matatamasa ang Kanyang pagpapala ng buhay na walang hanggan.
  • Ipasa-Diyos ang ating mga kasalanan at karumihan at magtiwala na kaya tayong patawarin, linisin, at baguhin ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus.
  • Ipanalangin na magkaroon ng pusong handang manumbalik sa Diyos sa tuwing tayo ay lumalayo sa Kanya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.