Ang Pagmamahal ng Isang Ina
Nararapat nating pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang pag-ibig na nararanasan natin sa taos-pusong pagmamahal at sakripisyo ng ating mga nanay. Ngayong Mother’s Day, pakinggan natin ang mensahe ni Ptr. Joseph Ouano kung saan hinihikayat niya ang bawat ina na tumingin sa Diyos at magpatuloy na magmahal.
This Mother’s Day, listen to Ptr. Joseph Ouano as he encourages mothers to draw strength from God’s example of loving us unconditionally from birth and throughout our lifetime. Let us thank God for the gift of our mothers, who selflessly give so much out of love.
Basahin sa Bibliya
Isaiah 66:12b-13, Isaiah 49:15, Isaiah 46:3-4
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Ano ang isang bagay na pinapahalagahan mo tungkol sa iyong ina?
3. Engage the minds (15-20 mins)
- Anong mga katangian ang pagkakapareho ng Diyos sa mga ina? Ano naman ang kanilang pagkakaiba?
- Paano ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sayo sa pamamagitan ng iyong ina?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Sa pagkumpara ng pagkakatulad ng Diyos sa mga ina, sa paanong paraan maaaring magbago ang iyong damdamin tungkol sa iyong ina?
- May mga panahong nabibigo tayo ng ating ina dahil lahat tayo ay hindi perpekto. Anong Katotohanan ng Diyos ang nagbibigay sa iyo ng kapayapaan?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Sa anong paraan mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa iyong ina?
- Magbigay ng paraan kung papaano ka tutugon sa pagmamahal ng Diyos para sa iyo?
- Ano ang panalangin mo para sa iyong ina?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Magpasalamat sa Panginoon sa Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ni Kristo at ginawa tayong kabilang sa Kanyang pamilya. Magpasalamat sa pagbigay sa atin ng mga ina bilang Kanyang instrumento ng pagmamahal.
- Ikumpisal ang anumang saloobin mo tungkol sa iyong ina at sa Diyos na hindi kalugod-lugod.
- Ipagdasal ang iyong ina.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.