Close

February 13, 2022

Ang Kaharian na Hindi Babagsak Kailanman

Lahat ng kaharian sa mundo ay magwawakas, maliban sa isa. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na ang sinumang nakay Kristo ay kabilang sa isang kaharian na higit na malakas sa kahit sinong hari, pamahalaan, pinuno, o pulitiko.

All kingdoms of the world shall all come to an end, except for one. This week, Ptr. Michael Cariño reminds us that everyone who belongs to Christ is part of a Kingdom that will outlast earthly kings, leaders, or governments.


Basahin sa Bibliya

Daniel 2

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Paano mo naranasan o nadama ang Diyos nitong nakaraang linggo?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Paano tumugon si Daniel sa sitwasyon na kaniyang kinaharap? Paano nakatagpo ni Haring Nebucadnezar ang Diyos sa sitwasyong ito?
  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa Diyos?
  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa kaharian ni Kristo?
  • Ano ang ibig sabihin na ang paghahari ni Kristo ay narito na at darating pa?

4. Engage the mind (15-20 mins)

  • Bilang tagpagsunod ni Kristo, saan ka nahihirapaan sa pagpapalaganap ng paghahari ni Kristo?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Mula sa iyong ibinahagi sa ‘Engage the Heart,’ anong mga maliliit na hakbang ang maaari mong gawin upang mapagtagumpayan ang mga bagay na ito?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin ang Diyos sa Kanyang kadakilaan sa gitna ng ating pinagdaraanan at hawak at alam Niya ang lahat ng bagay. Magpasalamat sa Diyos na nararanasan natin ang paghahari ni Hesus ngayon at mayroon tayong pag-asa na makakasama natin Siya sa darating pang kaharian sa pagbalik ni Hesus.
  • Ipagdasal na magkaroon ng kalakasan ng loob at buong pusong pagsunod sa Diyos upang maging asin at ilaw sa mundong ito at maibahagi sa iba ang pagmamahal at paghahari ni Hesus.
  • Ipagdasal ang mga alalahanin ng bawat isa.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.