Close

January 9, 2022

Mamuhay Nang May Karunungan

Sinasabi ni Apostle Paul sa Ephesians 5:15-21 na ang taong marunong ay sinusulit ang bawat pagkakataon sa paggawa ng mabuti, inaalam kung ano ang kalooban ng Diyos, at puspos ng Banal na Espiritu. Ngayong linggo, samahan natin si Ptr. Mike Cariño upang alamin kung paano mamuhay nang may karunungang galing sa Diyos.

In Ephesians 5:15-21, the Apostle Paul describes the wise as someone who makes the best use of time, understands the will of God, and is filled with the Holy Spirit. This week, learn from Ptr. Michael Cariño as he explains how to live with wisdom from God.


Basahin sa Bibliya

Ephesians 5:15-21

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Para sa iyo, anong desisyon ang nagawa mo nang nagtataglay ng karunungan? Paano natin matawag ang isang desisyon na may karunungan?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ano ang sinasabi ni Paul (Pablo) tungkol sa pagkakaroon ng karunungan?
  • Ano ang mga katangian ng isang taong puspos ng Banal na Espiritu?
  • Paano tayo mapupuno ng Banal na Espiritu?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Sa anong aspeto ng iyong buhay ang kailangang mapuspos ng Banal na Espiritu?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang ma-iayon ang iyong puso sa Diyos para mapuspos ng Kanyang Espiritu?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat sa Diyos sa biyaya ng Kanyang Espiritu na ibinigay Niya sa atin.
  • Idalangin ang patuloy na pangungusap sa atin ng Banal na Espiritu, at ang ating pagtugon na gumawa ng desisyon na may karungang mula sa Diyos lalo na sa mga panahong tayo ay nahaharap sa mga pagsubok.
  • Idalangin na lagi nating matandaan ang pagmamahal ni Kristo at ang kabutihan ng Diyos upang tayo ay magkaroon ng pusong may galak, pasasalamat, at pagsamba.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.