Anak Ka Talaga Ng Tatay Mo!
Bilang anak ng Diyos, dapat nating gayahin ang Diyos Ama. Samahan natin si Bro. Renz Raquion upang suriin kung paano natin maaring baguhin ang ating pananalita, pamumuhay, at pakikitungo sa ibang tao ayon sa Salita ng Diyos.
As God’s children, we must be like our Heavenly Father. Join Bro. Renz Raquion and learn how we can transform the way we walk, talk, and relate to people by learning and applying God’s word.
Basahin sa Bibliya
Ephesians 4:25-5:2
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Aling mga pag-uugali ang nakuha mo mula sa iyong mga magulang?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Sa anong mga paraan hinihikayat ni Pablo (Paul) na mamuhay ang mga mananampalataya? Bakit mahalaga na mamuhay sa ganitong paraan?
- Sa 5:1-2, ano ang ibig sabihin na gayahin ang Diyos?
- Ano ang natutuhan mo tungkol sa Diyos at tungkol sa iyong sarili mula sa talatang binasa?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Pagnilayan at magbahagi: Alin sa limang paraan ng pamumuhay na binanggit ni Pablo (Paul) ang nahihirapan kang isabuhay? Anong tulong ang kailangan mo upang ito ay mapagtagumpayan?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Ano ang maaari mong gawin sa darating na linggo upang gayahin ang Diyos sa iyong pamumuhay? Paano mo ito gagawin?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Magpasalamat sa Diyos sa Kaniyang sakripisyo upang maranasan natin ang Kaniyang pagmamahal at maibahagi ito sa iba.
- Humingi ng tawad sa Diyos para sa mga panahong nahaharap tayo sa mga sitwasyong nahihirapan tayong sundin Siya.
- Ipagdasal na magkaroon ng pusong handang sumunod sa Diyos at handang gayahin ang Kaniyang halimbawa bilang tugon sa Kaniyang pagmamahal.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.