Kung ang Paghahanap ng Kaligayahan ay Nauuwi sa Wala
Kapag pilit nating hinahanap ang kaligayahan mula sa mga bagay na matatagpuan sa mundong ito, tila lalong nawawalan ng saysay at katuturan ang buhay. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Michael Cariño na ituon ang ating paghahanap ng kaligayahan sa Panginoon. Siya lang ang tanging makapagbibigay ng kabuluhan sa ating mga buhay.
The more we try to find happiness in what the world has to offer, the more our lives become meaningless. This week, Ptr. Michael Cariño urges us to search for happiness in God for only He can give meaning to our earthly lives.
Basahin sa Bibliya
Ecclesiastes 2
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng isang bagay na kinasisiyahan mong gawin. Ilarawan ang kasiyahang naidudulot nito sa iyo.
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Anong mga pagpapakasarap sa buhay ang natamasa ni Haring Solomon? Ano ang mga nagawa ni Haring Solomon?
- Ano ang mga napansin ni Haring Solomon tungkol sa karunungan at mga gawain?
- Ano ang kongklusyon ni Haring Solomon nang maobserbahan niya ang mundo na hinahabol ang mga bagay na ito?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Pagnilayan: Anong uri ng pagpapakasarap ang iyong sinubukang habulin upang makamit ang kasiyahan (hal. mga materyal na bagay, posisyon, pagnanasa, relasyon, parangal, kaalaman, pera / trabaho at karera, atbp.)? Sa anong paraan ka nakaka-ugnay kay Haring Solomon?
- Para sa iyo, ano ang itsura ng buhay na nakasentro sa Diyos? Paano ito naiiba mula sa isang buhay na hindi Diyos ang nasa sentro?
- Hindi masamang tamasahin ang mga pagpapala ng Diyos. Sa anong paraan mo maaaring bigyang parangal ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagpapala sa iyo?
- Lahat ay makararanas ng kamatayan. Paano ito napagtagumpayan ni Jesus para sa atin? Ano ang pag-asa na maaari nating makamit sa pamamagitan ni Jesus? (Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, tayo ay mabubuhay at magkakaroon ng kabuluhan ang buhay.)
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Isipin ang mga bagay na iyong hinahangad. Ano ang isang bagay na nais mong baguhin o ituwid pabalik sa kalooban ng Diyos? Ano ang maaari mong gawin patungo sa pagbabagong ito?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- Maayos at ligtas na proseso ng pagbabakuna sa iba’t ibang lugar.
- Proteksiyon para sa mga pinuno ng gobyerno sa paglilingkod nila sa sambayanang Pilipino.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.