Ang Pangakong Pagpapala
Anuman ang nangyari sa ating nakaraan, mahahanap natin ang lakas at pag-asa para harapin ang bukas sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos. Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na maging matatag sa Panginoon na Siyang nagbibigay ng shalom (kapayapaan at kabuuan). Hindi tayo dapat matakot!
No matter what’s in our past, we can draw strength and hope for the future by holding on to the promises of the Lord. In this message, Ptr. Joseph Ouano urges us to have faith in God who grants us shalom (peace and wholeness). We need not be afraid!
Basahin sa Bibliya
Zechariah 8:1-17
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
- Paano ka pinagpala ng Panginoon nitong linggo?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Ano ang mensahe na ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ni Zechariah?
- Ano ang sitwasyon ng mga Israelita? Paano sila hinikayat ng Diyos?
- Ano ang kahulugan ng imahe sa vv.4-5?
- Anong mga pangako ng Diyos ang maaari nating makita sa talatang ito?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Ano ang kahulugan at kaugnayan sa iyo ng “Babalik Ako sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem, at maninirahan doon” sa v.3?
- Walang imposible para sa Panginoon (v.6). Ano ang pinagdaraanan mo ngayon na tila napakahirap pagtagumpayan? Ano ang sinasabi ng talatang ito tungkol dito?
- Ano ang kahalagahan ng talatang ito para sa iyo? Ano ang iyong tugon sa talatang ito?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Binigay saatin ng Diyog ang kanyang mga pangako at alam nating walang imposible para sa Kanya. Ano ang maaari mong gawin upang magtiwala sa Kanya sa iyong kasalukuyang sitwasyon?
- Ibinigay sa atin ng Diyos ang buhay na walang-hanggan sa pamamagitan ni Jesus bilang ang ating pinakadakilang biyaya. Sa anong paraan mo maibabahagi ang pagpapalang ito sa ibang tao ngayong linggo?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- Biglang pagtaas ng mga nagpositibo sa COVID-19 nitong mga nakaraang araw.
- Dumaraming namamatay mula sa mga lehitimong operasyon ng pulisya at extra-judicial na paraan.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.