Close

September 27, 2020

Peter: Nagkamali, Nabigo, Pero Nakabangon

Bagaman ang apostol na si Peter ay nagkamali at nabigo, hindi ito ang nagdikta ng kaniyang katauhan. Sa katunayan, ang kaniyang buhay ay nagsilbing katibayan kung gaano natin kailangan ang Diyos at ang Kaniyang kakayahang baguhin tayo. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na, katuwang ang ating Diyos na mabuti at maawain, may mensaheng mapupulot sa ating kaguluhan, may pag-asa ng tagumpay sa gitna ng pagsubok, at may tapat na pananampalatayang magbubunga mula sa ating mga kabiguan.

While the Apostle Peter made mistakes over the course of his life, his gaffes and failures did not define who he was. In fact, his life served to highlight just how much we need God’s transforming grace. This week, Ptr. Michael Cariño reminds us that we who embrace the grace of God can turn our mess into a message, our trials into triumphs, and our failures into faithfulness. Through the kindness of God, we can be led to repentance and transformed into Real-Life Overcomers.


Basahin sa Bibliya

Luke 22:31-34, 54-62; John 21:1-19

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng pagiging tagapagsunod ni Jesus?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Sino si Peter? Ano ang mga katangian ni Peter? Ano-ano ang mga kamalian na nagawa ni Peter? Ano ang kanilang pagkakaiba ni Judas?
  • Ano ang mga ginawa ni Peter nang siya ay nagkamali? Paano tumugon ang Diyos sa mga pagkakamali ni Peter?
  • Paano napagtagumpayan ni Peter ang kaniyang mga pagkakamali? Paano pinatawad ng Diyos si Peter? Paano nabago ang buhay ni Peter?
  • Mula sa buhay ni Peter, ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Para sa iyo, bakit tayo hinahayaan ng Diyos na magkamali at bumagsak?
  • Pagnilayan: Sa tuwing ikaw ay bumabagsak, nagkakamali, o kaya naman ay nagkakasala, paano ka tumutugon? Lumalayo ka ba o lumalapit sa Diyos?
  • Ano ang mga natutunan mo sa iyong mga pagkakamali?
  • Paano ka pinapatawad ng Diyos sa iyong mga pagkakamali?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Paano mo maipapasa-Diyos ang iyong mga pagkakamali? Ano ang iyong mga pag-aalinlangan?
  • Paano mo matutulungan ang ibang tao gamit ang mga iyong napagdaanan at mga karanasan?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Pag-uwi ng higit na 80,000 OFWs sa mga darating na araw.
    • Pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa dala ng Habagat.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.