Close

November 15, 2026

Living With the God Who Knows Me, Made Me, and Leads Me: Kasama Ko Ang Diyos Na Kilala, Nilikha, at Tinutuwid Ako

Living With the God Who Knows Me, Made Me, and Leads Me: Kasama Ko Ang Diyos Na Kilala, Nilikha, at Tinutuwid Ako

Maraming tao ang kinakabahan sa ideya ng isang Diyos na nakakaalam ng lahat at nauunawaan ang bawat detalye ng ating buhay. Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Rev. Michael Cariño na mamuhay nang may tiwala sa Diyos na lubos na nakakakilala sa atin, laging kasama natin, lumikha sa atin nang may layunin, at gumagabay sa atin sa tamang landas.

Many are uneasy at the thought of a God who knows everything and sees every detail of our lives. This Sunday, Rev. Michael Cariño encourages us to live with confidence in the God who knows us fully, stays with us always, made us with purpose, and leads us on the right path.


Basahin sa Bibliya

Psalm 139

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isang pagkakataon kung kailan alam agad ng isang tao na may problema ka kahit hindi mo ito sabihin. Ano ang ginawa nila, at ano ang naramdaman mo dahil dito?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang psalm. Bakit hindi natin kailangang maintindihan ang lahat ng ginagawa ng Diyos bago tayo magtiwala at sumunod sa Kanya? Ano ang connection ng faith sa pagtitiwala sa character at providence ng Diyos?
  • Ano ang tamang pagtugon sa Diyos na nakakakilala, laging kasama, lumikha, at tumutuwid sa atin? Paano ito makikita sa paraan ng pamumuhay natin?

4. Examine the heart (15-20 mins)

  • Paano mo tinitingnan ang sarili mo? Nakikita mo ba ang iyong halaga bilang taong nilikha ng Diyos with His purpose, o mas nakabase ito sa iyong achievements, abilities, appearance, at comparison sa ibang tao?
  • Sa iyong daily life, minamahal mo ba ang mga bagay na minamahal ng Diyos at tinatanggihan ang mga bagay na hindi kalugod-lugod sa Kanya? May attitudes, habits, or decisions ka ba na kailangan nang ihinto o baguhin?

5. Empower the hands (15-20 mins)

  • Dahil kilala ng Diyos ang buong pagkatao mo, anong bahagi ng iyong buhay ang kailangan mong maging mas honest and transparent sa harapan ng Diyos? Paano mo ito maisusuko sa Kanya?
  • Paano mo maipapakita sa iyong daily decisions na ang iyong identity and worth ay nakaugat sa katotohanang nilikha ka ng Diyos at may purpose Siya para sa buhay mo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin ang ating Makapangyarihang Diyos sa lubos na pagkilala sa atin, patuloy na pumapalibot sa atin, at paglikha sa atin nang may purpose. Pasalamatan Siya dahil walang bahagi ng ating buhay ang hindi Niya alam at walang sitwasyon ang makapaghihiwalay sa atin sa Kanyang presensya. Magpasalamat sa maingat na paglikha sa atin nang may halaga, dignidad, at layunin, at sa tapat na paggabay sa ating buhay ayon sa Kanyang perpektong karunungan. Rejoice that we can live with confidence because our lives are secure in the hands of our loving Creator.
  • Magsisi sa mga panahong hindi ka nagtiwala sa presensya ng Diyos, kinuwestiyon ang Kanyang mga plano, at ibinatay ang iyong halaga sa iyong sariling mga kakayahan, tagumpay, o sa approval ng iba. Humingi ng kapatawaran sa mga pagkakataong sinunod mo ang iyong sariling mga hangarin imbes na ang patnubay ng Diyos at ginawa ang mga bagay na hindi nagbibigay karangalan sa Kanya. Pray that you may have a humble and surrendered heart, learn to trust God’s wisdom even when you do not understand His ways, and allow Him to examine, correct, and lead you in the right path.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.