Who May Dwell in the Presence ng Isang Banal Na Diyos?

Madalas, nakakalimutan natin na banal ang Diyos na ating sinusunod. Kailangan din tayong maging banal, kung tunay tayong Kanya. Ngayong Linggo, ibabahagi ni Pastor Allan Rillera kung paano namumuhay, nagsasalita, at nakikitungo sa kapwa ang isang tunay na tagasunod ng Diyos.
We often forget that the God we follow is holy, and that those who are truly His must be holy too. This Sunday, Pastor Allan Rillera shares how a true follower of God lives, speaks, and treats others.
Basahin sa Bibliya
Psalm 15
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- May pagkakataon ba na ginawa mo ang tama kahit walang nakakakita o nakakaalam? Ano ang nag-udyok sa iyo na gawin ito?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang psalm. Paano ipinakikita ng ating pakikitungo sa kapwa (lalo na sa mga mahihirap, mahihina, at walang maibibigay na kapalit) ang kabanalan ng Diyos na ating sinasamba?
- Kung walang sinuman ang ganap na matuwid dahil lahat ay nagkasala (Romans 3:23), paano tayo nagkakaroon ng pag-asa na makalapit sa isang banal na Diyos? Ano ang papel ni Jesus Christ sa ating kaligtasan at pagbabago ng buhay?
4. Examine the heart (15-20 mins)
- Kapag nagsasalita ka tungkol sa ibang tao, mas madalas bang nakapagpapatibay ang iyong mga salita o nakadudulot ng tsismis, paninira, at sakit? Ano ang ipinakikita nito tungkol sa kalagayan ng iyong puso?
- Kapag nahaharap ka sa pagpili sa pagitan ng paggawa ng tama at ng pansariling pakinabang, ano ang karaniwang nangingibabaw sa iyo? Paano naaapektuhan ng iyong pagkaunawa sa biyaya o grace ni Christ ang iyong pagpili?
5. Empower the hands (15-20 mins)
- Anong partikular na pagbabago ang maaari mong gawin sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay upang maipakita ang integridad kahit walang nakakakita sa iyo?
- Sino ang isang tao sa iyong pamilya, trabaho/school, o Life Group/komunidad na maaari mong pakitunguhan nang may higit na paggalang, kabutihan, at katarungan? Paano mo ito maipakikita sa isang konkretong paraan?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang ating banal at matuwid na Diyos na karapat-dapat sambahin sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Magpasalamat sa Kanyang dakilang biyaya sa pamamagitan ni Jesus Christ, na namatay at muling nabuhay upang tayo ay mapatawad, malinis, at maipagkasundo sa Diyos. Magalak tayo dahil hindi tayo umaasa sa sarili nating kabutihan upang maligtas, kundi sa ganap na ginawa ni Christ para sa atin. Pasalamatan din natin Siya sa Banal na Espiritu na tumutulong sa atin upang mamuhay nang matuwid at maging katulad ni Christ.
- Magsisi sa mga pagkakataong hindi naipakita ng iyong pamumuhay ang kabanalan ng Diyos—sa paggawa ng mali sa tuwing walang nakakakita, pagsisinungaling, pakikisali sa tsismis, pananalita nang nakasasakit, at hindi makatarungang pakikitungo sa kapwa. Humingi ng tawad sa mga pagkakataong inuna mo ang pansariling kapakanan kaysa sa katotohanan at pag-ibig. Manalangin na baguhin ng Diyos ang iyong puso at bigyan ka ng lakas sa pamamagitan ng Banal na Espiritu upang mamuhay nang may integridad, magsalita nang may katotohanan at biyaya, at makitungo sa lahat nang may paggalang, katarungan, at habag—bilang tugon sa kaligtasang tinanggap mo kay Christ.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
