Close

August 2, 2026

Faith in the Dark: Umiiyak, Umaasa Kahit Madilim

Faith in the Dark: Umiiyak, Umaasa Kahit Madilim

Nakararanas din ng desperasyon ang mga Kristiyano, ngunit hindi ito nangangahulugang wala ang Diyos sa mga panahong ito. Ngayong Linggo, ibabahagi ni Rev. Michael Cariño kung paano patuloy na nagdadasal ang tunay na mananampalataya sa gitna ng kadiliman, sa kabila ng mga luha, sakit, at kalituhan.

Even Christians know despair, but that doesn’t mean God is absent in these moments. This Sunday, Rev. Michael Cariño shares how genuine faith keeps us praying through the darkness, amid tears, pain, and confusion.


Basahin sa Bibliya

Psalm 88

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Looking back sa isang madilim at mahirap na panahon sa buhay mo, paano mo nakitang ginamit ito ng Diyos para hubugin ang iyong pananampalataya o pagkatao?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Read the psalm. Ano ang ipinapakita ng mga hinaing at tanong ni Heman tungkol sa tamang paraan ng paglapit sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok?
  • Sa anong paraan nakapagbibigay ng pag-asa ang paghihirap, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesus sa mga dumadaan sa madilim na panahon?

4. Examine the heart (15-20 mins)

  • Gaya ni Heman, honest ka rin ba sa Diyos tungkol sa iyong mga luha, hinaing, at mga tanong? O may mga bagay kang pinipiling itago sa Kanya? Bakit?
  • May pagkakataon bang mas pinapaniwalaan mo ang sinasabi ng iyong emosyon kaysa sa katotohanang ipinahayag ng Diyos tungkol sa Kanyang sarili? Bakit kaya?

5. Empower the hands (15-20 mins)

  • Ano ang isang mabigat na dinadala mo ngayon na nais mong patuloy na ipagkatiwala sa Diyos sa panalangin? Ano ang isang katotohanan tungkol sa character ng Diyos na maaari mong panghawakan kapag tila hindi mo nararamdaman ang Kanyang presensya?
  • Sino ang kakilala mong dumadaan sa isang madilim na panahon? Paano mo siya mahihikayat na patuloy na manalangin at umasa kay Jesus?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin ang Diyos dahil Siya ang ating Diyos na nagliligtas, nananatiling tapat, at hindi tayo iniiwan kahit parang tahimik Siya. Pasalamatan Siya dahil sa Panginoong Jesus na pumasok sa pinakamalalim na kadiliman upang magkaroon tayo ng pag-asa, katiyakan, at bagong buhay. Dahil nabubuhay si Christ, alam nating hindi kadiliman ang huling hantungan ng ating kwento.
  • Humingi ng tawad sa Diyos sa mga pagkakataong hinayaan mong mas paniwalaan ang iyong emosyon, takot, o sitwasyon kaysa sa Kanyang katapatan at pagmamahal. Ipanalangin na bigyan ka Niya ng pusong patuloy na nananalangin, nagtitiwala, at kumakapit sa Kanya kahit walang agarang sagot, naniniwalang hindi ka kailanman naglalakad sa dilim nang mag-isa dahil kasama mo si Jesus.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.