Kapag Si Lord ang Naghahari Sa Ating Buhay

Bakit nawawalan ng sigla ang mga Kristiyano sa pagsamba at naaanod sa espirituwal na pagkabagot? Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Pastor July David na hayaang maghari ang Hari ng Kaluwalhatian sa ating buhay. Habang nagpapasakop tayo sa Kanya nang buong puso at namumuhay nang banal, mararanasan natin ang radikal at matatag na pagsamba.
Why do Christians often lose their passion for worship and drift into spiritual complacency? This Sunday, Ptr. July David urges us to let the King of Glory reign. As we surrender to Him wholeheartedly and live in holiness, we begin to experience worship that is radical and steadfast.
Basahin sa Bibliya
Psalm 24
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Kung ilalarawan mo ang buhay mo bilang isang bahay, aling kwarto ang pinakamadaling ipapasok si Jesus? Ano ang pinakamahirap? Bakit?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang psalm. Bakit may karapatan ang Diyos na maghari at mamuno sa ating buhay?
- Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng clean hands at pure heart? Ano ang hitsura nito sa pang-araw-araw na buhay?
4. Examine the heart (15-20 mins)
- Sa anong bahagi ng buhay mo ang nahihirapan kang kilalanin si Jesus bilang Lord (Panginoon), kahit tinatanggap mo Siya bilang Savior (Tagapagligtas)? Sa palagay mo, bakit kaya?
- Kamusta ang ‘clean hands’ at ‘pure heart’ mo ngayon? Mas nakatuon ka ba sa outward performance o sa tunay na pagbabago ng puso? May mga pagkakataon bang ginagawa mo ang mga spiritual activities (church, ministry, giving, serving) pero malayo ang puso mo sa Diyos? Ano ang ipinapakita nito tungkol sa motives mo?
5. Empower the hands (15-20 mins)
- Ano ang isang praktikal na paraan na maipapakita mo ngayong linggo na kinikilala mo na ang Diyos ang tunay na Owner at ikaw ay manager lamang?
- Ngayong linggo, paano mo maipapakita sa pamilya, workplace/school, ministry, o barkada mo na si Jesus ang tunay na naghahari sa buhay mo?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang Panginoon namin dahil Siya lamang ang tunay na Hari ng Kaluwalhatian. Magpasalamat dahil Siya ang ating Creator, Owner, at Sustainer. Pasalamatan Siya na kahit hindi tayo karapat-dapat, tinanggap Niya tayo sa pamamagitan ni Jesus at patuloy Niya tayong binabago. Purihin Siya dahil Siya ang Victorious King na nagtagumpay laban sa kasalanan at kamatayan, at karapat-dapat Siyang maghari sa bawat bahagi ng ating buhay.
- Humingi ng tawad sa mga pagkakataong gusto mong masunod kaysa sa Diyos. Magsisi sa mga areas ng buhay mo na hindi mo pa lubos na isinusuko sa Kanya. Ipagdasal na magkaroon ka ng clean hands at pure heart upang ang pamumuhay mo ay maging tapat at kalugod-lugod sa Kanya. Humingi ng tulong para mabuksan ang bawat gate at kwarto ng iyong buhay kay Jesus at kilalanin Siya bilang tunay na Hari na karapat-dapat sambahin at sundin.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
