Dahil Kay Christ, We Build Godly Homes in an Ungodly World
Maaring maging sanhi ng mga problema sa pamilya ang hindi pagganap ng mag-asawa sa kani-kanilang mga tungkulin. Ngayong linggo, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño ang mga paraan kung paano tayo makakapagtaguyod ng isang maka-Diyos na pamilyang magtatampok sa gawain ni Kristo sa ating mga tahanan.
When a couple fails to fulfill their duties, this affects the quality of their family life. Join Rev. Mike Cariño this week as he shares how we can build Godly homes and be a shining example of Christ’s impact on families.
Basahin sa Bibliya
1 Peter 3:1-7
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Think of a couple whose marriage you admire. Ibahagi kung ano sa tingin mo ang nagpapagana at nagpapaunlad sa kanilang pagsasama.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang itinuturo sa atin tungkol sa kung ano ang pinahahalagahan ng Diyos?
• Ano ang ibig sabihin ng pagpapasakop ng mga misis sa kanilang mister? Sa anong mga paraan ito ay katulad o naiiba sa nakaraang kabanata, na nag-uutos sa mga alipin na magpasakop sa mga amo (2:13-17) at tayong lahat ay magpasakop sa mga awtoridad/pamahalaan (2:18-20)?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong sarili: Paano ipinapakita ng iyong pribado at pampublikong pag-uugali ang isang submissive o hindi submissive na puso?
• Naisip mo ba o tinatrato mo ba ang mga babae/misis mas mababa kaysa sa mga lalaki/mister? Ano sa palagay mo ang nag-ambag sa iyong kasalukuyang pananaw sa indibidwal at kolektibong halaga ng kapwa lalaki at babae?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Para sa mga misis: Anong mga konkretong hakbang ang hinihiling ng Diyos na gawin mo upang maging respectful sa iyong asawa?
• Para sa mga mister: Anong mga konkretong hakbang ang hinihiling ng Diyos na gawin mo upang maging considerate sa iyong asawa?
• Para sa lahat: Maghanap ng dalawang halimbawa sa Bible ng mga lalaki at babae na nagpasakop. Ano ang hinihiling ng Diyos na gawin mo mula sa iyong natutunan sa kanila at sa talatang ito?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang ating Ama sa Langit sa paraan ng pag-ordain Niya sa kasal at pagpapatupad ng pamamahala sa indibidwal na tahanan na may pattern ng mapagmahal na kaayusan. Ipanalangin na ang mga Kristiyanong mag-asawa ay maging handa at handang sundin ang malinaw na tagubilin ng Bible kung paano isabuhay ang kanilang mga tungkuling ibinigay ng Diyos.
• Ipanalangin ang mga Kristiyanong kasal sa mga hindi mananampalataya. Nawa’y manalig sila sa Diyos na mamuhay ng banal at kaakit-akit na buhay upang ang kanilang mga aswawa ay makarating sa nagliligtas na pananampalataya sa Panginoong Hesukristo.
• Magpasalamat sa Panginoon para sa mga aral na matututuhan natin mula sa Kanyang Salita at sa Kanyang mga tao. Hilingin sa Diyos na tulungan kang huwag maimpluwensyahan ng walang kabuluhan at pagnanasa ng mundo at manindigan sa Kanyang mga turo—at sa paggawa nito, ipakita si Kristo sa lahat ng iyong sinasabi at ginagawa.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.