Ang Determinadong Ama
Bilang mga ama, ang pinakalayunin natin para sa ating mga anak ay ang makita nilang totoo ang krus ni Kristo sa kanilang buhay. Itong linggo, hinihikayat ni Ptr. Renz Raquion ang mga tatay na maging determinado at buong pusong turuan ang kanilang mga anak na manatili kay Kristo upang makitang buhay ang Gospel sa kanilang pamamaraan at pamumuhay.
As fathers, our ultimate goal should be to see the cross of Christ in the lives of our children. Listen to Ptr. Renz Raquion this week as he encourages fathers to be intentional in instructing their children to abide in Christ so that the Gospel can be seen in their lives.
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Batay sa kung paano ka pinalaki ng iyong ama, ano sa tingin mo ang pangunahing kontribusyon ng iyong ama sa iyong pamilya?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Ano ang natutunan mo tungkol sa iyong ama (o sa iyong sarili) sa pamamagitan ng mensahe?
• Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos Ama sa pamamagitan ng mensahe?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Para sa mga ama: Suriin ang iyong puso. Masyado ka bang nakatuon sa pinansyal na responsibilidad para sa iyong pamilya sa halip na ibahagi sa kanila ang pagmamahal at biyaya ng Diyos? Ano sa palagay mo ang mga ugat, sanhi at mga hadlang na pumipigil sa iyo na gawin ang dapat mong pangunahing tungkulin?
• Para sa lahat: Ang iyong buhay ba ay hinuhubog at pinamumunuan ng isang taos-pusong pagnanais para sa kaluwalhatian ng Diyos? Ano sa palagay mo ang pumipigil sa iyo na higit na mahubog at matuon sa hangaring ito?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Para sa mga ama: Anong mga konkretong paraan ang kailangan mong simulan upang mas mapaunlad ang iyong tahanan kung saan matatanggap ng iyong mga anak ang Krus at ang mga pahayag nito?
• Para sa lahat: Ano ang pinagbabatayan na “bakit” o punong rason sa likod ng iyong mga aksyon? Ano ang kailangang baguhin sa iyong pag-iisip o saloobin upang ang iyong buhay ay higit na maiayon sa mga “bakit” ng Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang ating Ama dahil sa pagpapadala ng Kanyang Anak na si Jeuss upang mamatay para sa ating mga kasalanan sa Krus at sa pagbibigay sa atin ng magandang pagkakataon na magkaroon ng kaugnayan sa Kanya sa gitna ng ating mga pagkukulang
• Para sa ama: Humingi ng kapatawaran sa Diyos sa mga pagkakataong napabayaan mo ang iyong relasyon sa Kanya at hindi nabigyan nang sapat na oras ang Panginoon—at kaya, naapektuhan kung paano mo pinamumunuan ang iyong pamilya
• Para sa lahat: Anong mga kasalanan ang kailangang tugunan at ikumpisal? Pagnilayan at isapersonal kung ano ang ginawa ni Kristo para sa iyo at humingi ng kapatawaran para sa mga kasalanang ito. Ikaw ay pinatawad kay Kristo Hesus.
• Ipagdasal na itaguyod ng mga ama ang kanilang mga responsibilidad na bigay ng Diyos, sadyang turuan ang kanilang mga anak tungkol sa pag-ibig at biyaya ng Diyos, at huwaran ng pamumuhay na masunurin sa Diyos
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.