Close

April 27, 2025

Ang True Family Ni Jesus

Nagdudulot ng pagkakawatak-watak at nagiging hadlang sa gawain ng Diyos ang hindi pagsunod sa Kanyang kalooban. Sa linggong ito, bibigyang-diin ni Ptr. Allan Rillera na ang tunay na miyembro ng Pamilya ng Diyos ay matutukoy sa kanilang pagkilala at pagsunod sa kalooban ng Diyos para sa Kanyang kaharian.

Disobedience creates divisions and hinders God’s work. This week, Pastor Allan Rillera emphasizes that true members of God’s Family are recognized by their knowledge of and obedience to His will for His Kingdom.


Basahin sa Bibliya

Mark 3:20-35

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang pagkakataon na kailangan mong pumili sa pagitan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos at sa pagtugon sa mga expectations ng iba. Anong nangyari?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit mahalaga ang pagkilala natin kay Hesus at pagbabahagi ng mensahe ng kaligtasan sa iba?
• Paano itinatag ni Hesus ang Kanyang pamamahala dito sa lupa, at ano ang papel o responsibilidad natin bilang mananampalataya?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong mga bahagi ng iyong buhay ang nahihirapan kang sundin ang kalooban ng Diyos? Anong mga fears o pressures ang humahadlang sa iyo sa pagsunod?
• Paano mo malalaman na tunay kang anak ng Diyos? Namumuhay ka ba bilang bahagi ng tunay na pamilya ni Hesus? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na gawin ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang isang praktikal na paraan na maaari kang magpasakop/mag-submit sa pamamahala ng Diyos sa iyong mga relasyon, pag-aaral/trabaho, o personal na buhay?
• Anong mga pagbabago ang kailangan mong gawin sa iyong pang-araw-araw na buhay upang mamuhay sa kadalisayan at kabanalan?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang ating Ama sa Langit sa pag-anyaya sa atin na maging bahagi ng tunay na pamilya ni Hesus. Magpasalamat sa Kanya na ang Kanyang kalooban ay hindi ang hatulan tayo kungdi ang iligtas tayo, hindi upang talikuran kungdi upang maghari sa ating buhay. Magalak na sa pamamagitan ni Hesus, tayo ay iniligtas mula sa kadiliman at dinala sa liwanag, nilinis, at ginawang banal. Magpasalamat na ang Kanyang Espiritu ay nagbibigay sa atin ng kapangyarihan upang mamuhay ayon sa Kanyang kalooban araw-araw.
• Magsisi sa mga pagkakataong nilabanan mo ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagpili ng sarili mong mga hangarin, kaaliwan, o pagsang-ayon ng iba. Humingi ng kapatawaran sa mga sandaling inaangkin mong maging bahagi ng pamilya ni Hesus ngunit namumuhay sa mga paraan na salungat o hiwalay sa Diyos. Manalangin para sa isang bagong puso na naghahangad na sundin ang Diyos sa bawat bahagi ng buhay na nagmumula sa pagmamahal at pagtitiwala sa Kanya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.