Hindi Man Makita, God is at Work (Part 4)
Bakit tila napakarami ng problemang pumapalibot sa atin habang mistulang walang pasanin ang iba? Pinaliwanag ni Ptr. Mike Cariño kung paano tayo maaring tulungan ng mga pagsubok sa buhay na matutunan ang ating lugar at bahagi sa plano ng Diyos.
Why are we surrounded by troubles while others seem to have carefree lives? This week, Ptr. Mike Carino explains how our troubles help us learn our place and do our part in God’s plan.
Note: video and audio are not available for this week’s message. We apologize for any inconvenience.
Basahin sa Bibliya
Esther 4: 1-17
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang sitwasyon na nahirapan kang magtiwala sa Diyos.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ilarawan ang sitwasyon na kinalalagyan ni Esther.
• Sa anong paraan mo nakikita ang pagkilos ng Diyos sa sitwasyon? Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos mula sa talatang binasa?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Naharap ka na ba sa isang sitwasyon na nahirapan kang makita ang pagkilos ng Diyos sa iyong buhay? Paano ka tumugon? Anong aspeto ng iyong pagtugon ang nais mong baguhin?
• Ano ang itsura ng isang tao na ‘nagtitiwala sa Diyos’ para sayo? Ano ang nais mong pagbutihin upang lumalim ang iyong pagtitiwala sa Diyos?
• Sa anong klaseng lugar o sitwasyon ka inilagay ng Diyos ngayon?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong desisyon ang kailangan mong gawin sa lugar o sitwasyon na inilagay ka ng Diyos ngayon?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng mga pagkakataong masaksihan ang Kanyang pagkilos sa mga sitwasyong ating kinalalagyan. Purihin ang Diyos na sa kabila ng ating mga problema at kahinaan, Siya pa rin ang in-charge sa ating mga sitwasyon.
• Manalangin para sa patnubay, karunungan, at proteksyon ng Diyos sa pagharap natin sa mga problema; at umasa sa Diyos at ipagkatiwala ang kahihinatnan ng sitwasyon sa Kanya.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.