Hinihikayat tayo ng Diyos na manatiling tapat kahit na kagalitan tayo ng nakararami. Ngayong linggo, tatalakayin ni Ptr. Mike Cariño kung bakit kailangan natin ang tapang at lakas na binibigay ng Diyos upang manindigan sa tama kahit tayo’y napapalibutan ng kasamaan.
Ang bawat Kristiyano ay humaharap sa isang digmaang espiritwal araw-araw. Ngayong Linggo, samahan natin si Bro. Renz Raquion upang alamin ayon sa ipinahayag ni Apostol Pablo kung sino at ano ang ating kinakalaban at kung paano tayo makakalaban nang matagumpay.
Matututunan natin sa libro ng Efeso kung paano tayo dapat kumilos bilang isang amo o manggagawa sa paraang naaayon sa mata ng Diyos. Samanahin natin si Ptr. Allan Rillera ngayong linggo sa upang talakayin kung paano maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng ating trabaho.
Upang mapagtagumpayan ang buhay mag-asawa, dapat gampanan ni mister at ni misis ang tungkulin nila sa isa’t-isa ayon sa intensyon ng Diyos. Ngayong linggo, tatalakayin ni Ptr. Joseph Ouano ang disenyo ng Diyos para sa buhay may-asawa at ang kahalagahan ng indibidwal at magkasamang pagsunod kay Hesus.